Paano ba ako didistansya sa'yo, Ginoo?
Kung sa tuwing nalulungkot ako'y agad na pinasasaya mo?
Kapag lumuluha nama'y pinapalis din ang unos sa mga mata ko,
Sana'y ipagpaumanhin mo itong mga inililihim ko sa'yo.Ginoo, ang isip ko'y palaging ikaw ang laman,
Tahimik kang minamasdan sa 'di kalayuan,
Ngiti sa aking labi'y hindi mapigilan,
Kilig sa puso'y sadyang kayhirap ilarawan.Sa bawat araw ikaw ang madalas kausap,
Kakulitan mo'y palagi kong hinahanap-hanap,
Mali nga yatang ikaw ay maging aking pangarap,
Sapagkat ako'y dagat at ikaw naman ay ulap.Para sa iyo, Ginoo ako'y isang kaibigan lang,
Ang pagitan nati'y milya-milyang daan,
Batid kong sa damdamin mo'y wala akong magiging puwang;
Dahil nakapaligid sa iyo'y magagandang kababaihan.Sa pagsinta mo ay ayokong umasa,
Hirap din kasi akong isa-tinig na mahal kita,
Pagkakaibigan natin ay takot akong masira,
Kaya ang pagsinta ko'y sa pluma na lamang ipinadama.Tanging sa mga letra lang ako nakakapag-kwento,
Paghanga'y sa tula ko muna pansamantalang itatago,
Sikretong pag-ibig, sa makinilya itinipa ng aking puso,
Sina papel at tinta lang ang nakakikilala sa'yo, Ginoo.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"