Araw-araw ikaw ay nasasalubong sa daan;
Ngunit kahit ngiti'y hindi man lang ako matapunan,
Ang mga mata mong nakatutunaw tingnan,
Batid kong ako ang laging sinusundan.
Marahil masungit ang tingin mo sa'kin?
Kung kaya't nahihiyang ako ay kausapin,
Bakit 'di subukang ako'y imikin?
Agad naman kitang papansinin.
Hindi nga yata tamang ako'y hangaan pa;
Dahil sa'yo ay may nagmamay-ari na,
Sa relasyon ninyo'y ayaw kong makasira,
Subalit sabi mo sa kanya'y wala ka nang nadarama.
Nais kong ikaw ay bigyang panahon,
Natatagong paghanga buksan ng pagkakataon,
Paano ba kita mabibigyan ng pagtugon?
Kung sa piling niya ay ayaw mong umahon.
Hiling ko lamang ay pagsintang totoo,
Suriin muna ang laman ng iyong puso,
Gusto kong pagmamahal tunay at buo,
Bago ang pag-ibig ko'y maihandog sa iyo.

BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoésieMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"