Gabi-gabi sa'king isip ako ay nagtatanong,
Bakit laging lumuluha habang kumot ay nakatalukbong?
Ano ba ang aking pagkakamali't sa kirot ako'y kanilang isinuplong?
Malaki ba ang pagkakasala kung kaya sa pait ay matagal akong nakulong?Sa pagkakatanda ko'y wala naman akong nagawang pagkakamali;
Subalit kaysakit pa rin ng mga naging pangyayari,
Na kahit ibinigay ko na ang aking buong sarili;
Sa huli'y ibang dalaga pa rin ang kanilang pinili!Ginawa ko naman ang lahat upang hindi magkulang,
Halos madurog na nga ang aking puso, atay at balun-balunan,
Sinuway ko na ang batas militar kong mga magulang,
Pero sa dulo'y naiwan pa rin akong puno ng sugat at talunan!Sinikap ko maging mabait at matalino,
Hindi naman kasi ako artistahin at kasing tangkad ng mga modelo,
Ngunit sadya nga yatang para sa kanila'y kulang ang mga ito,
Kaya kailanma'y 'di naging sapat ang salitang "ako."Mahirap ba talaga akong mahalin?
Wala bang maninindigan para ako'y ibigin?
Sana naman ay may makapagsabi sa akin,
Nang ang paghinga'y hindi ko tuluyang pigilin.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesíaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"