Ang kahapon natin ay puno ng kaligayahan,
Matamis na yakap at halik, ating pinagsasaluhan,
Pangako sa isa't isa'y walang mang-iiwan,
Ikaw at ako'y tunay na nagmamahalan.
Subalit ang paglalambing mo ay dahan-dahang nagbago,
Pagsinta ng damdamin mo'y unti-unting naglaho,
Batid kong hindi na ako ang nilalaman ng iyong puso,
Tila nagdilim at nawasak ang makulay kong mundo.
Ngayo'y tinatapos mo na ang masaya nating pagsasama,
Pagka't loob mo'y nahulog sa ibang marikit na dalaga,
Ngunit ang mawalay sayo'y sadyang 'di ko makakaya,
Kung kaya titiisin ko ang makihati't magdusa.
Ako'y maghihintay sa isang sulok ng inyong daigdig,
Walang sumbat na mamumutawi mula sa aking bibig,
Mga paghikbi at pag-iyak ko'y hindi mo maririnig,
Sana'y mabigyan mo lamang kahit palimos na pag-ibig.
Pilit kong ikukubli ang sakit na nadarama,
Patuloy na lalaban sa kabila ng kawalang pag-asa,
Handang lumuhod o luhaang magmakaawa,
Huwag ka lang lumisan sa piling ko, Sinta!
Tawagin man nila akong martir at tanga,
Sa maliit mong atensyon ako ay makukuntento na,
Sa kakaunti mong pagmamahal, sarili'y ipagkakasya,
Pag-ibig mo'y iingatan kasing liit man yan ng barya.<>
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"