Sa akin ay labis ang pagkalinga mo,
Ngunit ramdam kong limitado ito.
Batid kong lubos ang pang-unawa mo sa akin,Subalit ang ipinahihiwatig mo ay kayhirap intindihin.
May matamis man tayong tawagan,
Pait ang nalalasahan ko dahil sa atin ay walang namamagitan.
Ang nag-uumapaw nating kasiyahan,Alam kong maaaring matuldukan.
Labis ang ating paglalambingan,
Pero ramdam kong damdamin mo'y ayaw mahulog nang tuluyan.
Lubos ang ikinikilos ng mga yakap at halik mo,Subalit ang takot sa mga mata mo'y nababanaag ko.
Mainit man ang mga sandaling ating pinagsasaluhan,
Natatakot akong panlalamig ang sunod na pupuntahan.
Oo, higit tayo sa magkaibigan.Datapwat relasyon nati'y hindi nabibilang sa mga nag-iibigan.
Ano ba talaga tayo?
Paano ang lahat ay humantong sa ganito?
Saan nga ba tayo tutungo?
Bakit patuloy tayong nagbibingi-bingihan sa bulong ng ating mga puso?Sana sa muli nating pagkikita'y napawi na ang mga katanungan,
At yaring mga sobra ay hindi na magkulang.
Hiling ko na kapag nagsama ulit ang ikaw at ako,
Maging malinaw na ang ugnayan at maipagmamalaki ko nang may 'tayo.'
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"