Sa gitna ng ikaw at ako ay may isang dalagang siya mong ginusto.
Nand'yan ka, narito ako, ngunit landas natin ay hindi magtagpo.
Sa gitna ng ikaw at ako ay may mga pangarap na sabay nating binuo.
Nanatili ka, umaasa ako, subalit koneksyon nati'y patuloy na lumalabo.
Sa pagitan ng ikaw at ako ay may mga simpleng hiling.
Nandito ka, narito ako, pero bakit ang hirap mong makapiling?
Sa pagitan ng ikaw at ako ay may mga bagay na mahirap linawin.
Huminto ka, tumigil din ako, datapwat ang biyaheng ito'y sadyang 'di laan sa atin.
Mahirap umunawa sa gitna ng tandang pananong at tuldok.
Hindi matukoy kung aayaw o susubok.
Nakukuntento na kasing tanawin ka mula sa kabilang sulok,
Kahit na ang nais ko'y yakapin ka't hagkan nang napaka pusok.
Ikaw at ako ang nasa pagitan ng pwede ba at sana.
Ikaw at ako ang nasa pagitan ng kapit pa at bitaw na.
Ikaw at ako ang nasa pagitan ng lungkot at saya.
Ikaw ang nasa pagitan ng ako na minsan ay maligaya, ngunit madalas ay lumuluha.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesíaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"