Hindi na ako mag-aalay sa iyo ng mga tula.
Iyong may matatamis na salita at tugma?
Ayaw ko na kasing lumalim ang nadaramang ito,
Batid kong kailan ma'y hindi rin magtutugma ang ikaw at ako.Hindi na ako magsusulat ng tungkol sa akin at sa iyo,
Wala nga naman kasing 'tayo.'
Ayaw ko nang mas mahalin ka pa,
Alam kong pagtingin mo'y laan na sa iba.Itatapon ko na rin ang panulat ko,
Kasabay paglimot ko sa mga alaala mo.
Ang mga akdang sa pagluha nagwakas,
Sa papel na nilukot, pait ay kumatas.Isasara na yaring kabanata,
Gaya ng isang librong napunit at naluma.
Basahin mang muli ang nilalaman nito,
Umaasang ang sakit ay maiibsan na sa dulo.Gagawa na lang ulit ng panibagong tula,
Kahit hindi kasing ganda noong iniibig pa kita.
Ilalarawan ko rito ang panibago kong mundo,
Isang dalagang matatag at may matapang na puso.

BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"