Aalis ka na pala.
Alam ko, hindi kita mapipigilan 'di ba?
Wala kang obligasyon na magpaalam nang tama.
Hindi nga naman kasi tayong dalawa.
Aalis ka na pala.
Sana turuan mo muna akong kalimutan ka.
Kung paano gumising na masaya,
At lumaban na puno ng pag-asa kahit nag-iisa.
Aalis ka na pala.
Ngunit nawa ipakita mo kung paano pumikit muli nang nakangiti;
Iyong makatutulog nang mahimbing na hindi humihikbi.
Sabihin kung bakit kailangan pakawalan ang hindi naman nakatali.
Aalis ka na pala.
Mapapagod na naman ako!
Katulad ng paghabol ng buwan sa araw sa tuwing sisikat ito.
Gaya ng pagkapit ng ilog sa agos nitong sa dagat pinipiling tumungo.
Aalis ka na pala.
Magpapagal muli itong kaluluwa ko!
Araw-araw na mangungulila sa'yo..
Habang buhay kang gugunitain sa mga basag na piraso nitong aking puso.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesíaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"