Damdamin ko'y may nais sabihin,
Isang katotohanang kayhirap ilihim,
Pagtatapat na sadyang maglalayo sa atin;
At marahil magiging dahilan ng pagtatampo saakin.
Ako'y may nakilalang isang marikit na dalaga,
Sa kanyang bait at ganda, ako ay nahalina,
Hindi naiwasang damdami'y nahulog sa kanya,
Kung kaya ngayon sa'yo, ako'y magpapaalam na.
Masasambit ko bang puso'y may iba nang sinisinta?
Gayong hindi ko nais na makita kang lumuluha,
Ngunit ayaw na sa'yo ay magsinungaling pa,
Kaya't walang magagawa kundi ang iwan ka.
Sa'kin ay wala kang naging pagkukulang,
Ako'y nagpapasalamat sa pag-ibig na iyong inilaan,
Masasayang ala-ala labis kong iingatan,
Ang iyong pagmamahal, kailanma'y 'di komalilimutan.
Patawad kung 'di ko na matutupad ang aking mgapangako,
Ipagpaumanhin kung sakit ang isinukli sa'yong puso,
Ang muling pag-ngiti mo ay hihilingin ko,
Tunay na kaligayahan sa piling ng iba nawa aymatagpuan mo.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"