Nais kitang ipagdamot sa kanila,
Ngunit ano ang karapatan ko? Wala naman 'di ba?
Katulad din nila ako na sa iyo ay humahanga,
Isang langit na tinatanaw ng lupa.Nakalulungkot isipin na merong ikaw at ako,
At triple ang sakit dahil 'di pwedeng maging tayo,
Tinatangay ka kasi ng maharot na alon papalayo,
Kaya ang mga patak mo't dalampasigan ko'y ayaw magtagpo.Nakapaligid sa iyo'y magagandang bulaklak,
Tunay na maririkit at humahalimuyak.
Sadyang walang panama ang katulad kong simple at payak,
Hindi na aasa pang dadapuan ng makulay mong mga pakpak.Sa mga bato na lang ikukubli ng aking pagtingin,
Pagsuyo ay ibubulong na lamang sa ihip ng hangin,
Paano ba sasabihin kung puso mo'y hindi laan para sa akin?
Ako na kaibigan lang at hirap kang ibigin.Kung sakaling iwananka ng mga itinuturing mong bituwin,
Mananatili kang buwan sa aking paningin,
Nakakapagod man, hindi kita pagsasawaang tanawin
Liwanag mo man ay lumamlam patuloy pa rin kitang mamahalin
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"