Nanumpa na ang bagong pangulo.
Bise presidente na rin si Robredo.
Tapos na nga ang panahon ng pagboto,
Pero talo pa rin ako sa puso mo.Sabi mo rati ako ang droga mo.
Wika mo'y ikukulong mo ako sa iyong puso.
Pero noong si Duterte na ang nakaupo,
Pati ako isinuko mo!Mabuti pa iyong Spratly Island nakuha na ng bansa natin.
Ngunit ang pagmamahal mo hindi pa rin mapasa'kin.
Nangako kang ipaglalaban ako at mamahalin,
Subalit bago na ang administrasyon, nasa kaniya ka pa rin.Lalaya na raw si Arroyo?
Makakapagpiyansa rin ang mga tiwaling pulitiko.
Makakawala na ang mga trapo.
Pero ako bilanggo pa rin ng pag-ibig ko sa'yo.Inuubos na ang lahat ng pusher.
Pinapatay na rin ang mga user.
Parang noong paggamit mo sa 'kin, hayop ka?
Konting push pa, papatayin na kita!Pakakawalan na si Gloria.
Papalayain na rin kita.
Kasi kahit paulit-ulit mo akong niloko?
Sige, aasa pa rin ako sa 'yong pagbabago.
![](https://img.wattpad.com/cover/44437667-288-k736239.jpg)
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoezjaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"