Sa mga tala'y pagod na akong tumingala,
Balon ay tuyo na't nilumot na ang mga barya,
Tuhod ko'y nangingitim at nagagasgas na,
Giliw, maririnig ko ba ang mga katagang 'mahal kita?'
Simple lang naman ang pangarap ko,
Iyon ay ang mahagkan ang mga labi mo,
Makulong sana ako sa init ng iyong puso,
Payak ngang maituturing, ngunit tila imposible ito.
Gaano katagal ba akong hihiling?
Hindi pa ba sapat ang aking mga panalangin?
Gusto ko lang na ikaw ay makapiling,
Kailan mo kaya ako matututunang ibigin?
Ikaw ang bituing hinihintay kong maging bulalakaw,
Balong kahit malalim ay akin pa ring tinatanaw,
Sa altar na siyang lagi kong pinapalahaw,
Wala naman kasi akong ibang minamahal kundi ikaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/44437667-288-k736239.jpg)
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"