Hayaan mong yakapin ko ang ating mga alaala.
Kung saan wala sila, walang kayo, kundi tayo lang. Tayo!
Sila na dahilan kaya patuloy akong ngumingiti at sumisigla.
Kahit matagal na niyang sinira ang mundong ating binuo.Kung saan wala sila, walang kayo, kundi tayo lang. Tayo!
Hahagkan ko ang pangarap na ating pinagsaluhan,
Kahit na matagal na niyang sinira ang mundong ating binuo.
Iibigin kita pagtangi mo man ay may iba nang pinag-aalayan.Hahagkan ko ang pangarap na ating pinagsaluhan,
Katumbas man nito'y pagyakap ko sa habang buhay na pait.
Iibigin kita pagtangi mo man ay may iba nang pinag-aalayan.
Yayakapin ko pa rin ang gunita gaano man sila kasakit.Katumbas man nito'y pagyakap ko sa habang buhay na pait,
Ikaw at ikaw lamang ang pag-aalayan ko ng paglalambing.
Yayakapin ko pa rin ang gunita gaano man sila kasakit,
Ikaw kasi ang gunitang nais ikulong sa mga bisig nang napakahigpit.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesieMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"