"Prinsipe"

26 0 0
                                    

Prinsipe ko'y nagmahal ng iba,

Pagsamo ko ay hindi niya pinakinggan pa,

Ang kaharian niya'y may bago nang prinsesa,

Kaya ang pagsinta ng kanyang puso'y tuluyang nawala.

Prinsipe ko'y walang kapalit,

Pamamaalam niya ay sadyang kaysakit,

Sa kalungkutan ako'y napiit,

Alaala na lamang ang niyakap ko ng mahigpit.

Maraming nagbago ng Prinsipe ay lumisan,

Puso kong ito ay labis na nahirapan,

Magagandang bagay ay 'di ko na magawang tawanan,

Lagi na lang naaalala ang mapait na nakaraan.

Oh', Prinsipe aking hinihintay ang pagsapit ng takip-silim,

Saka titingala sa mga bituing nakalatag sa dilim,

Sana'y mga mata'y hindi na lumuha ng maitim,

Kaligayahan mo sa Maykapal hihilingin ko ng mataimtim.

"FAILED-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon