Oo nga pala determinado ako ngunit siya ang magaling para sa'yo.
Oo nga pala simple ako kaya siya ang mas maganda sa paningin mo.
Oo nga pala kulang ako kaya sa kaniya ka nabuo.
Dahil oo nga pala, ako'y tula lang at siya ang iyong nobela.
Oo nga pala sa akin ang eksena ngunit siya ang bida.
Oo nga pala ako ang prinsesa ngunit hawak niya ang korona.
Oo nga pala sa akin ang kaharian ngunit siya ang makapangyarihan.
Dahil oo nga pala, ako ang nasasaktan ngunit siya ang higit mong ipinaglaban!
Oo nga pala ako iyong nand'yan kapag malungkot ka ngunit sa kaniya ka sumasaya.
Oo nga pala ako ang nagpapahid ng iyong mga luha ngunit siya ang nakaririnig ng iyong pagtawa.
Oo nga pala ako ang pinangakuan mo ng masayang hinaharap ngunit siya ang iyong pinapangarap.
Dahil oo nga pala, para sa iyo ako'y tala ngunit siya ang iyong araw.
Oo nga pala ako ang paborito mo ngunit siya ang iyong pinili.
Oo nga pala ako ang nauna ngunit siya ang iyong huli.
Oo nga pala iba ang mahalaga ka sa mahal kita.
Dahil oo nga pala hindi ako siya!
![](https://img.wattpad.com/cover/44437667-288-k736239.jpg)
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"