Ako ay umibig at nagtiwala,
Ibinigay ang aking buong damdamin kahit walang natira,
Iyong mga pangarap na magkasabay naming ipininta?
Lumamlam ang kulay kasama ng masasayang alaala.Ang pagsintang ipinagkait ko sa ibang lalake,
Sinayang lang ng mga itinuring kong prinsipe!
Kaya itong paglalambing na sa kasing tamis ng halayang ube,
Ngayo'y titigas gaya ng isang adobe.Noon ako ay isinabay sa iba,
Minsan na ring ipinagpalit sa babaeng loka-loka,
Palaging iniiwan na nag-iisa,
Put*ng ina, sa pagluha 'di pa ba ako ko-quota?!Palagi na lamang ako'y napaglalaruan ng mga palalo,
Sa tuwi-tuwina'y nadudurog ang marupok kong puso.
Pag-ibig na dati'y puno ng pagsuyo,
Magmimistulang nalagas na dahon saka sa kawalan ay matutuyo.Nakakapagod na kasi ang maging hangal,
Nakakapanghina rin kung madalas sa sakit ika'y nasasakal,
Hindi ko nais na sa kirot ay patuloy pang masakdal,
Gusto ko'y mapag-isa't ayaw ko nang magmahal.
Top of Form
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesíaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"