Nasasaktan na naman ako...
Sa mga rason na hindi ko tinanong.
Sa pagbitaw na siya lang ang tumugon.
Sa taong kinapitan ko nang matagal na panahon.
Nasasaktan na naman ako...
Sa mga bagay na hindi ko maintindihan.
Sa pamamaalam na 'di tiyak ang dahilan.
Sa taong ayaw ko pa ring bitawan.
Nasasaktan na naman ako...
Sa mga alaalang hindi na madadagdagan.
Sa pagsasamang 'di na madudugtungan.
Sa taong ang pagsinta ko'y hirap tugunan.
Nasasaktan na naman ako dahil sa kaniya...
Sa kaniya na ang pinili ay iba.
Siya na patuloy kong iniibig kahit ang sakit-sakit na!
Siya na umalis habang mahal na mahal ko pa.
Nasasaktan na naman ako!
Nasasaktan pa rin itong puso.
Masasaktan at masasaktan ito...
Alam ko--hindi mawawala ang sakit hanggang siya ang minamahal ko!
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"