Bakit siya pa ang nagbigay sa akin ng mga ngiti,
Kung sa dulo'y siya rin mismo ang bumawi?
Bakit tinuruan pa niya akong maging masaya,
Kung sa huli'y siya rin ang magiging rason ng aking pagluha?Bakit ginawa pa niya akong maging matatag,
Kung ang bawat matibay sa akin ay siya rin ang nagbuwag.
Bakit pa niya ako binuo?
Kung siya rin ang dahilan kaya ngayo'y hindi ako kumpleto.Bakit ipinakita pa niya sa akin kung paano ang mangarap?
Gayong ang bawat bukas ay mag-isa ko na lamang hinaharap.
Bakit hinayaan niya akong umibig?
Gayong ang puso niya'y hindi laan sa akin ang mga pintig.Bakit siya pa ang aking minahal?
Gayong mga labi niya ay 'di ako ang inuusal.
Bakit siya pa ang patuloy na sinisinta?
Gayong ang paglalambing niya'y batid kong para sa iba.Damdamin ko tuloy ay nalilito!
Siya ang lakas ko, ngunit bakit nanghihina ako?
Kaligayahan ko'y siya,
Subalit bakit pati kalungkutan ko ay hawak din niya?Siguro ay dahil lahat ng sa akin ay alay sa kanya,
Pero lahat ng kanya ay handog niya kay Eva.
Pagod na akong umasa na magkakaroon ng 'kami,'
Paghanga'y ihihinto na't itatago ang paghikbi.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesíaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"