"Mahal, Nakikita mo ba?"

10 0 0
                                        


Mahal, masdan mo ang dilim,
Ganiyan ang mundo ko ngayong wala ka sa aking piling.
Mahal, masdan mo ang makapal na hamog,
Kung wala ang init ng yakap mo'y hindi ako makatulog.

Mahal, tingnan mo ang gabi,
Ikinukulong ako nito sa pangungulila't hikbi.
Mahal, tingnan mo ang kalangitan,
Katahimikan niya'y binabalot ako ng masidhing kalungkutan.

Mahal, nakikita mo ba ang mga bituwin?
Sana'y sa bawat pagkislap nila'y batid mong ikaw lamang ang iibigin.
Mahal, nakikita mo ba iyong napaka gandang buwan?
Nawa'y sa tuwing nagliliwanag siya'y malaman mong nais kitang mahagkan.

Sinta, ang bawat takip-silim ay isang parusa.
Sa tuwing magpapaalam ang araw ay naaalala kita.
Hiling ko'y lingunin mo ito parati,
Upang maramdaman mo na ang pagmamahal ko sa iyo'y hindi napapawi.

Top of Form

"FAILED-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon