"Kahapon, Ngayon, Bukas"

18 0 0
                                    

Kahapon ay dinig ko pa ang matamis mong tinig,

Ngayon batid kong naglaho na ang iyong pag-ibig,

Bukas sa bawat isa, tayo'y makadarama ng panlalamig,

Sapagkat sinira mo ang musika ng binuo nating himig.

Kahapon ay sa'kin ka,

Ngayon, mahal hawak ka na ng iba,

Bukas ay babaha ng matinding pagluha;

At habang buhay sa yakap mo ay mangungulila.

Kahapon tayo ay puno ng pagmamahalan,

Ngayon ang damdamin ko'y binalot ng kalungkutan,

Bukas batid kong mapupuno ng kadiliman,

Sapagkat ang pagsinta mo'y tuluyang winakasan.

Kahapon ako ang prinsesa mo,

Ngayon nag-iisa na sa malungkot na paraiso,

Bukas ay 'di makaka-asang ngingiti muli ako;

Dahil inagaw ng iba ang paglalambing ng iyong puso.

"FAILED-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon