Wala na nga yatang mas mahirap pa sa pag-iibigang pilit hinahadlangan ng iba.
Mga puso'y pinaglalayo ng kanya-kanyang pamilya,
Relasyo'y pinagtatawanan ng mga kaibigang 'di tunay kung makisama,
Pinag-uusapan ng mga taong bulag sa tunay na istorya!Labis na lungkot ang kanilang nadarama,
Sa yakap ng bawat isa'y lubos na nangungulila.
Ang mga sandaling oras, ninanakaw at ipinagkakasya,
Ikinukubling paglalambinga'y binubusog ng ligaya.Hanggang kailan sila sisinta ng palihim?
Nakakapanghina ang walang katapusang pagtangis sa hangin.
Lubhang nakakapagod ang humiling sa mga bituin,
Ngunit patuloy na umaasang maririnig ang kanilang panalangin.Darating ang araw, pag-ibig ay hindi na itatago,
Malayang maipakikita ang tamis sa puso.Magkasamang aawit, lilibutin ang mundo,
Magkasabay na rurupok ang kanilang mga buto.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoesíaMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"