"Ikaw at Ang Ulan"

9 0 0
                                    


Nasasabik ako sa iyong pagdating,
Kahit sayang dulot mo'y batid kong hindi para sa akin.
Alam kong masidhing lamig ang mapapala ko,
Ngunit heto pa rin, patuloy na lumalapit sa'yo.

Tinatanaw kita mula sa itaas,
Pagbagsak mo ma'y imposibleng sa'kin maglandas.
Pero kahit na nga hatid mo ay matinding sakit,
Buong saya kitang yayakapin ng mahigpit.

Kawangis ka man nitong maragsang ulan,
Nais kong ang bawat pagbuhos mo'y akin pa ring sayawan.
Hindi ako magsasawang pagmasdan ang iyong mga patak.
Nakalaan man ang ligayang hatid mo sa ibang bulaklak.

Isang bagay lang ang ipakikiusap ko,
Sana'y isabay mo ang mga luha ko sa pagtila mo.
Isama mo na rin ang dilim sa ulap ng aking pagsinta,
Upang bukas ang bahaghari ay masilayan ko na.


"FAILED-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon