Gusto ko siya gaya ng iba't ibang mga akda,
Pero istorya nami'y parang She's Dating the Gangster ika nga,
Kaya ito, katulad ko ang isang panget na nagsusulat sa diary niya,
Piksyon nga naman kasi yaring pangarap ko diba?Natanong ko na rin bakit ba hindi ako crush no'ng crush ko?
Chicken Mami for the Sawi tuloy ang kinahantungan ng aming kwento
Stupid is forevermore nga marahil ang patutunguhan nito,
Mananatiling para sa Hopeless Romantic ang tulang ito.Baliktad kasi siyang magbasa ng libro,
Ipabibisita ko nga sana minsan sa mga kaibigan ni Mama Susan ang loko,
Kung 'di madaan sa takot, subukan ko rin kaya siya sa Trip to Quiapo?
Baka sakaling mag-McArthur na ako sa kanyang puso?Kung si Ricky Lee ay Para kay B,
Si C sana'y laan kay G,
Sa ngayon mga stainless longanisa muna ang magiging saksi,
Nobela kasi namin ay tulad nang kalahok sa Palanca na malabong magwagi.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"