Naranasan mo na bang magmahal?
Iyong umibig ng lubos at magmukhang hangal?
Itinaya ang puso sa isang alanganing sugal,
Kahit ito'y madurog at magpagal?Nasabi mo na ba ang iyong nararamdaman?
Sa taong sa pagtingin mo ay nagbubulag-bulagan,
Baka naman naunahan ka ng kaduwagan?
Kaya ngayon ikaw ay lumuluha at sugatan.Nasubukan mo na bang maging pangalawa?
Sa pagsinta ng taong palagi mong inuuna?
Hindi ka maaaring maghanap ng sobra,
Dahil ang nakalaan lang sa'yo ay tira ng iba.Umiyak ka na ba dala ng sobrang sakit?
Sapagkat ang pagsuyo mo'y 'di nabigyan ng kapalit?
Tila hininga mo ay iniipit,
Nilunok ng dibdib mo'y walang kasing pait.Nahulog ka na ba sa isang kaibigan?
Ngunit ang pagkagusto mo'y itinatago lang sa mga biruan,
Ayaw mo kasing ikaw ay kanyang iwasan,
Takot na ang mga biro mo'y gawin niya ring lokohan.Paano naman kung kayo nga ay magkaibigan,
Pero ang nais niya lang ay ikaw ay maisahan,
Huli na ang lahat para siya ay iwasan,
Damdamin mo'y nabihag na't 'di na kayang pigilan.Minsan ka na rin bang pinaasa?
Sinabihan ng pekeng 'mahal kita,'
Sa huli naman sa ere ay iniwan ka,
Lahat kasi para sa kanya'y katuwaan lang pala.Labis na sakit ba ang iyong nalasap?
Noong ang kaligayahan ay sa iba na niya hinanap?
Akala mo ay siya na ang katuparan ng iyong mga pangarap,
Subalit sa altar ay iba ang kanyang iniharap.Sino pa nga ba ang gaganahang makipagrelasyon?
Kung ihi na lang ang nakapagpapakilig sa panahon ngayon?
Tanghali na lang ba talaga ang tapat kung tumugon?
Maging ang tamis ng tsokolate'y nalulusaw sa ilalim ng pugon.Makakamit pa ba ang pag-ibig na hinahangad?
Kung ang mga pangako'y bihirang matupad,
Mga pagsasamahan nga yata ay sa basurahan na lamang mapapadpad,
Ang mga tao kasi'y kundi duwag ay sadyang huwad.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"