Habang mahal pa kita, kakabisaduhin ko ang bawat linya ng iyong mukha.
Habang mahal pa kita, kukunin ko't iguguhit ang liwanag sa 'yong mga mata.
Habang mahal pa kita, mga ngiti mo ang siyang lagi kong ipipinta.
Habang mahal pa kita, kukulayan ko ng bahaghari ang natitira nating alaala.
Habang mahal pa kita, sa mga kuwento ko'y ikaw lang ang bida.
Habang mahal pa kita, lagi kang magiging paksa ng aking mga kataga.
Habang mahal pa kita, magsisilbi kang metapora ng aking tula.
Habang mahal pa kita, sa iyo iaalay ang bawat patak ng pluma.
Habang mahal pa kita, yayakapin ka sa panaginip.
Habang mahal pa kita, hahagkan ka sa hanging umiihip.
Habang mahal pa kita, ikukulong ko sa 'king tainga ang iyong tinig.
Habang mahal pa kita, isasaulo ko ang bawat pintig ng iyong dibdib.
Habang mahal pa kita, iisipin kong wala kang iniibig na iba.
Habaang mahal pa kita, dadayain ang sarili na nariyan ka pa.
Habang mahal pa kita, aasa at aasa na muli kang makakasama.
Habang mahal pa kita, paulit-ulit akong magpapakatanga.
Habang mahal pa kita...
Habang
Mahal
Pa
Kita...
Kakapit ako habang mahal pa kita--hanggang sa matanggap ko ang pait ng iyong pagkawala!
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoezieMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"