Ang kahapon natin ay isang mapait na nakaraan;
Sapagka't puso mo'y may ibang pinag-alayan,
Pag-ngiti ng bawat araw ay tuluyan ko nang nakalimutan,
Makikita sa mga mata'y masidhing kalungkutan.
Hindi na mabilang mga nalagas na dahon,
Ala-ala mo ang tangan sa bawat pagkakataon,
Ikaw ang minahal sa lahat ng panahon,
Ngunit bakit 'di tapunan ng kaunting pagtugon?
Sa iyong pagbabalik ako'y patuloy na umaasa,
Muling masisilayan ang ngiti mo, aking sinta.
Ako'y yayakapin at papawiin ang luha,
Ikaw ang makakasama hangga't may hininga.
Subalit ako'y hindi kayang ibigin,
Masaklap na wakas, kaysakit isipin;
Mga pangarap ko'y ibubulong na lang sa ihip ng hangin,
Makita kang maligaya ang tangi kong hihilingin.
BINABASA MO ANG
"FAILED-ibig"
PoetryMinsan ang pinakamasarap ang pinakamapait. Kung ano ang pinakamasaya ay iyon ang pinakamasakit; dahil ang pagmamahal madalas na-uuwi sa "FAILED-IBIG!"