"Gabi"

15 0 0
                                    

Paghihiwalay natin ay mistulang takip-silim,
Sakit sa damdami'y hindi ko kayang supilin,
Pag-iibigang wagas ay binalot ng dilim,
Pagdating ng araw ay 'di na nais pang salubungin.

Ginawa ko nang tinapay ang bilog na buwan,
Tila chitchirya na ang mga bituing nagkikislapan,
Nalagok ko na ang hamog sa malamig na bubungan,
Subalit ang hapdi sa dibdib ay kayhirap ibsan.

Sa mga gabing ipinaghehele ako ng musika,
Antok ko'y kinukumutan ng lungkot at luha,
Unan ang yumayakap sa pusong nagdurusa,
Pangungulila'y inilalatag sa malambot na kama.

Isang bangungot nga ang malayo ka sa aking tabi,
Pangalan mo ang usal habang sumisigaw at humihikbi,
Ang muling magising ay ayoko nang mangyari,
Hininga ko'y iiwanan na dito sa masalimuot na gabi.

"FAILED-ibig"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon