Chapter 2

1K 12 0
                                        

Clarissa's POV

"Hala malapit na pala ang defense natin!" Sabi ni Mary.

"Ready na ba kayo ng mga ka grupo nyo? HAHA" Sabi naman ni Sakie.

"Madali lang naman samin kasi about lang naman yon sa mobile legend. Pero sila Clarissa ewan ko lang" Sagot naman ni Mary.

"Ay oo nga, about sa bullying ang inyo diba? Mahirap yan i defense. Pero kung kaya nyo. Goodluck" Sabi naman ni Sakie.

Medyo naka ramdam din ako ng kaba dahil don.

"Mga ka grupo ko pa naman walang masyadong naitulong. Hindi pa naman ako katalinuhan para buhatin sila sa defense" Sabi ko habang napa nguso ako.

Apat lang kasi ang pwedeng mag kaka grupo sa defense. At tatlo lang kami. absent kasi ako nung time na nag pa groupings si sir.

At ito na punta sa akin ang isang medyo may katalinuhan at ang isa naman wala talagang naging ambag maliban sa sya lagi ang nag papa-print.

Nag ring na ang bell hudyat na mag uumpisa na ang classe. Last 2 subjects nalang din naman at mag uuwian na.

Alas Dos na. Nag si linis na kami ng room. Matapos kong mag linis nag si labasan na kami ng room.

Habang nag lalakad na kami palabas may sinabi si Mary na naka kuha ng pansin ko.

"Ay oo nga pala, alam mo bang ilang days na akong nakaka ramdam na parang may naka tingin sa atin tuwing uwian" Kwento ni Mary.

Napa hinto ako. "P-pati ba sa pag uwi mo na raramdaman mo yan?" Tanong ko.

Umiling ito sa akin. "Hindi na eh, tuwing uwian lang. Katulad ngayon feeling ko may naka tingin sa atin" Nag palinga linga ito.

Napa lunok ako. So ako lang ang nakaka ramdam na pati habang pa uwi ako or kahit saan ako mag punta may naka tingin sa akin?

"Uy tignan nyo oh Mary, Clarissa" May tinuro si Sakie. Napa tingin din kami doon.

May isa kasing big bike sa kabilang kalsada ang nandoon habang ang may ari ata non ay naka sandal naman doon.

Napa titig ako doon. Naka sumbrero ito at naka tingin sa amin. Or mas tamang sabihin na sa AKIN.

"Baka ayun tinutukoy mo Mary? Alam mo napapansin ko din yan madalas. Di ko lang pinansin kasi baka may sinusundo lang" Sabi ni Sakie.

Napa hawak akong mahigpit sa payong na gamit ko. Kahit malayo na mumukhaan ko na sya.

"Hoy Clarissa, grabe maka titig kay kuya ah. Type mo? Ayiieee!" Tukso pa sa akin ni Mary.

"Ayan ah, na love at first sight! HAHAHA" Pilit akong ngimiti sakanila.

"Una na ako sainyo. Dadaan pa kasi akong palengke eh" Paalam ko sakanila saka nag lakad na palayo.

Hindi ko na inantay pa yung paalam nila sa akin. Ewan ko ba, dinadagundong ako ng matinding kaba.

Pinag papawisan na rin ako ng malapot. Madali akong nag lalakad. Kahit pa may na tatamaan na ako ng payong ko.

Humihingi ako agad pa umanhin. Nang maka sakay na ako ng jeep. Napa tingin ako sa labas.

Naka sunod na agad yung naka motor. Napa lunok ako ng sunod-sunod.

Anong kailangan sa akin ng lalaking iyon? Anong pakay nya. Bakit nya ako sinusundan?

Na tatakot ako. Natatakot ako sobra.



Tbc.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon