Chapter 19

206 2 0
                                    

May na ramdaman akong kung anong tumusok sa batok ko. Parang kagatlang iyon ng langgam pero naka ramdam ako ng pagka hilo.

Lumayo si Wrytt sa akin. Napa hawak ako sa ulo ko ng makita kong pumapagewang ang bulto nya sa paningin ko.

Kita ko ang bahagyang pag ngiti nito.

"Go to sleep, my.."


___


Naalipungatan ako ng maka ramdam ng lamig sa katawan pero lamang ang sobrang init sa katawan ko. Nanlalabo pa ang paningin ko.

Nahihilo parin ako ng bahagya.

Napa linga ako sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansin kong nasa ibang kwarto ako.

Sinubukan kong galawin sana ang isang kamay ko pero nagulat ako ng makitang naka posas iyon.

"A-anong–" Nag palinga akong muli para humanap ng pampatanggal o susi sa pag kakaposas nag isang kamay ko.

Pero bigo akong maka hanap. Wala akong makita!

Saan ako dinala ng lalaking iyon!

Sinubukan kong galawin ng ilang beses ang posas sa kagustuhang matanggal iyon. Gumawa iyon ng ingay.

Nag simula ng tumulo ang luha ko. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito.

"My ghad! Napaka noisy! Now, who's here!?" Biglang bukas ang pinto at iniluwa nito ang babaeng napaka ganda.

Para syang modelong babae. Napaka kinis ng balat. Akala mo ay hindi makabasag pinggan. Or hindi manlang nag kakasugat dala ng pag aalaga nito sa sarili nya.

Parehas kaming natigilan pero ako, napapa sinok na dahil sa pag iyak ko.

Sino sya? Asawa ba sya ni Wrytt? Kung may asawa sya, edi ginagawa nya akong kabit!?

Nanlaki bigla ang mata nito at di kalaunan din ay bigla itong napa labas ng kwarto. Ang lakas ng pag kakatunog ng pag sara nito sa pintuan. Hindi ko alam kung bakit naging ganon ang asta nya.

Dahil siguro nalaman nitong nag dala ng kabit ang asawa nya. Pero hindi naman ako kabit diba?

Ang asawa nya mismo ang nang gulo sakin! Napaka CREEPY kaya ng sinusundan ka nalang isang araw ng kung sino.

Tapos may mababangga ka pang napaka gwapo pero halatang demonyo sa loob. Tapos hindi pa na kuntento sa kakasunod sa akin.

Ang ginawa naman nya nang hahalay na ng hindi ko alam! PERVERT ang asawa nya! Oo 18 na ako pero.. kaka-18 years old ko palang para masangkot sa ganitong sitwasyon.

Biglang naka rinig ako ng boses. Boses ito ng babaeng bigla nalang pumasok at isinara ang pinto.

*/"WHAT THE IS THIS!?"

*/"ARE YOU INSANE!? BAKIT NANDITO AGAD SYA!

*/"Oh..come on brother! She supposed not here yet! Tapos you did take her here!? Ang malala pinosasan mo pa! Kakaturned 18 nya palang!

Rinig na rinig ko ang boses nito. Ang lakas nya kasing mag salita. Para bang akala mo naka speaker ang lalamunan nito.

'Pero ano daw? Hindi pa daw dapat ako nandirito? Brother? Kapatid sya no Wrytt?'

Ano bang ibig nilang sabihin. Bakit parang may hindi ako alam na sila lang ang nakaka alam.

Hindi ko sila kilala pero parang akala mo kilalang kilala na nila ako.

Naalala ko sila mama bigla. Hindi ko sigurado kung nakilala ba nila ang magulang ko.

Ang alam ko kasi ay hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. May kaya lang kami.

Kaya parang imposible ring kilala nila ang magulang ko.

*/"FINE! BAHALA KA SA BUHAY MO!

Rinig ko ang pag padjak nito sa sahig. Kahit pa naka hills sya.

Kaya naman pala na ririnig ko ang usapan ay dahil bahagya palang umawang ng kaunti ang pinto.

Dala siguro ng malakas na pag kakasara nya ay na sira na nya ang pinto.

Biglang bumukas muli ang pinto at sya ang pumasok.

Lumapit ito sa akin at humalukipkip sa harap ko.

Tbc.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon