Dumaan ulit ang isang linggo na hindi ko parin na kikita si Wrytt. Ngayong araw naman ay na pipikon na ako sakanya.
Ayaw na ba nya akong balikan? Umurong naba sya? Ayaw naba nya akong panagutan? Ayaw nya ba sa Anak namin?
Na iinis ako. Bakit ba hindi sya nag papakita. Masyadong matagal ang dalawang linggo na ibinigay nya para makapag isip-isip ako.
"Uy teh salubong na salubong ang kilay ah" Pukay ni Mary sa pansin ko.
Sa 2 weeks na dumaan ay naka usap ko din sila Mary at Sakie. Naintindihan din nila ang naging lagay ko.
Sa una ay nag reklamo pa si Sakie. Na sana ay sya nalang daw ang kinuha ni Wrytt at binuntis dahil tinatamad na daw syang mag aral.
Si Mary naman ay kilig na kilig at sinabing 'Alam kong mabubuntis ka, at di nga ako nag kamali' , para bang wala silang pake sa pinag gagawa no Wrytt sa akin.
"Panong hindi magiging ganyan yan e, wala na atang balak magpakita sakanya ang tatay ng dinadala nya" Mahabang litanya ni Sakie.
"Nako! Mag papakita rin iyon, baka busy lang" Pag papagaan ni Mary sa loob ko.
"Weh ba? What if may iba palang babaeng umaaligid kay Wrytt tapos bigla syang painumin ng pills na pampabuhay ng laman loob at magka roon pa ng panibagong panganay si Wrytt!" Gatong naman na sabi ni Sakie.
Bahagya pang nanlalaki ang mata nito. Para bang nag iimagine na.
Napa kuyumos ang kamao ko ng maisip ang babaeng tinutukan ni Wrytt ng baril.
Paano nga at ginayuma na nung babae si Wrytt? Basa sa itsura ng babaeng iyon ay parang hindi sya susuko.
"Tangina mo! Alam mong buntis ito tapos pinag ooverthink mo!" Iritableng sabi ni Mary.
"Joke lang gaga, what if lang naman yon. Diba Claris- " Natigilan si Sakie.
Masama na kasi ang tingin ko sakanya. Mas lalo akong na pipikon. Wala na kasi akong cellphone.
Na wawala ang cellphone ko kaya hindi ko ma text o tawagan si Wrytt.
Hindi ko rin naman alam kung saan sya naka tira kaya wala akong magawa.
Biglang pumasok si Tiya Felda. May pag tataka sa mukha nito ang mababasa.
Kasunod nito ay may babaeng pumasok din. Napa tayo ako ng makilala ito.
"Ate Hellain.." Ngumiti ito ng makita ako. Agad ako nitong bineso.
"How are you? How's the baby?" Tanong nito.
"Okay lang naman po ako, ok lang din ang pag bubuntis ko, tinatake ko ang mga medicine na ibinili sa akin ni Wrytt" Sagot ko.
Napa baling ito sa dalawa kong kaibigan na bahagyang naka awang ang bibig.
"Ah sila pala ang mga kaibigan ko, si Mary at Sakie" Pakilala ko sa dalawa.
"Mary, Sakie. Ate ni Wrytt, si Ate Hellain" Kinamayan naman sila ni Ate Hellain.
Hindi kami close pero ewan ko ba at parang akala mo kung umasta si Ate Hellain ay close na close kami.
Sa pagkaka alala ko ang huling nakausap ko sya ay yung araw na nalaman ko lahat ang naging kasalanan ng Mama ko.
Bumaling si Ate Hellain sa akin. "Nagka ayos na kayo ni Wrytt?" Tanong nito.
"T-teka, Ate ka nung gwapong lalaki na nag paaral kay Clarissa? Tsaka anong nagka ayos na sila.. na guguluhan ako. May dapat ba akong malaman dito?" Singit ni Tiya Felda.
Napa tingin si Ate Hellain sa akin. Napa yuko ako. Hindi pa kasi alam ni Tiya na Si Wrytt ang Ama ng ipinag bubuntis ko.
"Hi Ma'am, I'm Hellain. Yes Ate ako ni Wrytt..and my brother Wrytt is the Father of Clarissa's pregnancy." Si Ate Hellain na mismo ang nag sabi rito.
Nanlalaki ang mata ni Tiya. Naka awang pa ng bahagya ang bibig nito. "Ang walang hiyang yon! Sya pala ang tatay tapos hindi ka dinadalaw rito!" Galit na sabi ni Tiya.
TBC
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romance(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...