Clarissa's Point of view
"Clarissa tulungan mo akong mag luto na dito!" Sigaw ni Tiya Felda.
"Opo!" Madali akong nag ayos sa sarili ko bago nag puntang kusina. Agad ini-abot ni Tiya Felda ang mga dapat kong hihiwain.
"Pag tapos mong hiwain ang mga gulay na yan na para sa pakbet. Tulungan mo ang Tiyo mo sa labas" Bilin nito.
"Sige po, Tiya Felda" Sinimulan ko na ang pag hihiwa ko hanggang sa matapos iyon.
Pinunasan ko din ang pawis ko bago lumabas. Nakita ko pa si Tiyo Gavin na busy sa mga customer namin
"Ano po ang sainyo?" Bungad na tanong ko sa ibang customer na nag aantay.
"Dalawang order na kanin tapos isang order ng adobo, pahingi din ako ng sabaw" Sabi nito saka inabot ang bayad.
"Kain ba po dito sir o balot po?" Tanong ko.
"Kakain dito miss" Pag tapos nya sabihin iyon ay inum pisahan ko na ang pag hahain ko.
Ihinatid ko iyon agad at ang ibang customer naman ang kinuhaan ko ng mga order nila.
Ganto ang hanap buhay na mayroon ang Tiya at Tiyo ko. Wala na rin akong magulang matapos nilang mamatay kaya sila na ang kumupkop sa akin.
Oras ang lumipas. Napa tingin ako sa oras. mag aala sais na at need ko nang mag asikaso. Grade 12 student nga pala ako sa Saint Mateo University. Kung saan hanggang college na rin sya.
Matapos kong mag asikaso agad na rin akong nag paalam na aalis na, na ikina tango lang nila at nag bilin sa akin na mag iingat. At dumaan na rin daw ako sa palengke bago umuwi ng mga sangkap na kailangan para bukas.
Nasa kala gitnaan ako ng pag lalakad ko papuntang sakayan ng jeep. Na raramdaman ko nanaman na parang palaging may naka tingin sa akin.
Para bang may sumusunod sa akin. Kahit nga sa pag titinda or pag babantay ng tindahan namin ramdam kong palaging may naka tingin.
Na ki-creepy-han ako sa nang yayari sa akin pero kapag ikukwento ko kanila Tiya at Tiyo hindi sila na niniwala.
Sinubukan kong mapa lingon pero wala namang tao. Ni isa wala akong nakita.
Napa lunok ako. Minadali ko na ang pag lalakad ko. Ako lang din kasi mag isa ang nag lalakad.
Sa kaka-lingon ko sa likuran ko ay hindi ko na namalayang may makakabangga na pala ako sa harap.
Buti nalang at na hawakan ako nito kaya hindi ako na tumba sa sahig. Napa layo ako agad.
"P-pasensya na po, hindi ko sinasadya!" Yukong paumanhin ko. Napa tingala ako para tignan sya.
Bahagya pa akong nagulat sa itsura nya. Ang ganda ng Hazel nyang pares na mata at ang tangos ng ilong. Ang perfect din ng kilay nya at ang labi nya na may pagka pinkish.
"Sorry po talaga kuya" Pag hingi ko ulit ng tawad. Tinignan lang ako nito na parang akala mo pati laman loob ko nakikita na nya sa grabeng pag titig nya sa akin.
Wala itong sinabi. "Alis na po ako" Paalam ko at nilagpasan na sya. Bigla kasi akong naka ramdam ng kaba sa titig nya e.
Oo alam kong gwapo sya pero hindi naman ako ganon ka babaw lang na babae para matuwa na titigan ako ng ganon.
Para sa akin kawalang respeto iyon. Sinubukan kong lumingon pero nag taka ako bat naka ngisi na ito sakin.
Iniwas ko agad ang tingin ko. Ang creepy ng ngisi nya.
Tbc.
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romance(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...