Tahimik na naka hawak ako sa aking tyan. 3 Months na. Sa araw-araw na nag daan ay nandito lang ako sa mansyon ni Wrytt.
Todo asikaso din sa akin ang mga katulong. Masaya sila na mag kakaroon ng anak si Wrytt.
Ayaw din daw kasi nilang makita ang lalaki na habang buhay mag tatanim ng galit at pag hihiganti.
Ngayon ay nandito ako sa terrace. Na ngunot ang noo ko ng may Kotseng huminto. I know that car.
Lumabas ang babaeng sexy at aakalain mo talagang modelo.
Anong ginagawa nya dito? Hinahabol parin nya pala kahit ngayon si Wrytt. Naikuyom ko ang kamao.
Wala dito si Wrytt ngayon. Umalis ito para mag puntang isa sa kumpanya nya, may meetings din syang kailangang daluhan.
Isa pa ay pag tapos nya sa kumpanya, dadaan sya sa Cavite para bisitahin kung anong ganap na sa bahay na ipinagawa nya.
Tumayo ako at nag lakad na palabas ng kwarto. Gusto ko maka harap mismo ang babaeng iyon.
Ng maka baba at agad akong hinarang ng mga katulong. Alam nilang nandito ang babaeng baliw kasi Wrytt.
"Hindi po kayo pupwedeng lumabas- " Hindi ko na pina kinggan sya.
Dire-diretso akong lumabas. Naka sunod naman ang ibang katulong sa akin.
Nang maka lapit sa gate ay nakita ko ang naka taas nitong isang kilay. Hinagod ako nito mula ulo hanggang paa.
"Kung si Wrytt ang hanap mo. Wala sya dito ngayon." Hindi mapigilang mag taray sa babae.
Hindi naman ako ganito pero ewan ko ba, hindi ko mapigilan mag taray. Humalukipkip ito.
Binuksan naman ang pinto na gate at ngayon ay kitang kita ko na talaga sya ng malinaw sa malapitan.
Napaka kinis ng balat nito at nakapa ganda. Para talaga syang modelo pero para din syang isang prinsesa pero, supladang prinsesa.
"Who are you?" Tanong nito pero naka titig sya sa tyan ko. Napapa lunok pa ito. Unti-unti ding nawala ang pagka suplada.
"Wrytt's Wife. Malapit na rin kaming ikasal, ikaw sino kaba?" Proud kong sabi at ibinalik ang tanong sakanya.
"Marietta." Sabi nito. "Marie for short." Naka tingin na ito sa akin ngayon.
Tumalikod ito na ikina taka ko. Pero bago ito lumapit sa kotse nya ay may sinabi sya.
"I'll.. i mean, titigilan ko na si Wrytt if that's what makes him happy. And congrats!" Bahagya itong tumingin sa akin at nakita ko ang luhaan nitong mata.
Nag lakad na ito palapit sa kotse nya. Napa maang naman ako. Talagang mahal nya si Wrytt.
Hindi sya baliw, she just want Wrytt loves her back. Tumalikod na din ako para pumasok sa loob ng makita kong malayo na ang kotse.
Napa ngiti ako. At least wala na akong kaagaw kay Wrytt, hindi ko tuloy napasalamatan ang babaeng yon.
Napa iling akong napa ngiti. Muli ay ilang Buwan ang lumipas at ngayon ay ka buwanan ko na.
Kinabukasan din non ay nanganak ako. Halos hindi alam ni Wrytt ang gagawin.
Natawa ako sa ala-alang yon. Napa iling ako at tinitigan ang anak naming si Carlyn
Mas kamukha nya ang Daddy Wrytt nya kaisa saakin. Nakakatampo pero okay lang dahil ang cute-cute ng baby ko.
Lumipas ang isang buwan at ikinasal na ako kay Wrytt. Naalala ko pa yung time na umiiyak ako pero mas luhaan si Wrytt.
Pati si Ate Hellain ay umiiyak. Masaya sya na nag bago ang lahat sa Kapatid nyang si Wrytt.
And si Wesley? As usual, walang pake alam sa paligid. Naka tulala lng ito sa cellphone.
Sila Tiya at Tiyo ay makikita ang saya sakanila na makitang ikakasal na ako.
Sila Mary at Sakie naman ay sinigawan pa ako nung pag tapos kaming sabihan ng pari ng "You may now, kiss your bride" Sumigaw talaga si Sakie ng.
"Woahh!! Bayohan na!"
"Sira ulo ka! Manahimik ka nga dyan kababae mong tao!"
Nakakatuwa ang mga nangyari sa nag daang araw.
TBC
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romance(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...
