Chapter 8

682 11 0
                                        


“Ang swerte natin. Instant mani agad” Sabi nitong humablot sa pera ko.

“Eh ano kaya kung kunin din natin sya pre? HAHAHAH ganda pa naman ng kutis nyan.” Sabi pa ng isa.

Bahagya akong napa atras. "Sya yung babaeng nag titinda don sa karinderya ni Felda e" Napa lunok ako.

Tatakbo na sana ako ng mabangga ako sa kung sino.

Nanlaki ang mata ko ng makilala sila. Ito yung mga naka itim!

Dali akong napa tayo sa takot. Bakit ba ang malas ko ngayon? Gusto ko na maihi sa takot.

Hindi nag sasalita ang dalawang to. Bagkus ay seryosong naka tingin lang sa anim na lalake.

“Hoy ano kailangan nyo?” Mayabang na ani nung tambay na kumuha ng pera.

Bigla akong kinabahan ng may mag labas ng patalim isa sakanila. Tatakbo na sana ako ng balak akong hablutin nung lalaking may hawak ng patalim.

Pero maagap na may pumigil doon. Iyong lalaking naka itim.

“AHH! Tangina ka!” Mura nung lalake sa sakit. Nabitawan nito ang patalim.

Biglang may humawak sa akin na nahintakutan kong nilingon.

“Umuwi na po kayo Ma'am Carion.” Itinayo ako nito at nag bigay ng isang libong piso sa akin.

Kesa mag paka tunganga doon, sinunod ko ang sinabi ng naka itim. Mabilis akong tumakbo pauwi dahil sa takot.

Saktong pag uwi ko agad ako pumasok sa loob. Hindi ko na pinansin pa si Tiyo Gavin na nag tatakang tumingin sa akin.

Dumiretso ako kay Tiya at iniwan ang pera.

“T-tiya.. ayan na po ang pera. A-akyat na po ako” Ayoko nalang mag sumbong kay Tiya pa.

Hindi ko na inantay pa ang sagot ni Tiya Felda at tumakbo na ako pa akyat sa taas.

Na i-lock ko ang pinto ng kwarto ko saka sumandal doon. Tumulo ang luha ko sa nangyari kanina.

“B-bakit kasi ako pa.. ayoko na ng ganito..” Iyak kong sabi.

Ayoko nang gantong buhay. Gusto kong bumalik sa dati ang buhay ko. Yung hindi ako na susundan ng kung sino.

Yung hindi ako minamalas sa araw. Gusto ko ng tahimik na buhay. Gusto kong hindi mag bigay ng malaking problema sa Tiya at Tiyo ko.

Ayokong maging pabigat ako lalo sa buhay nila.

Napa dausdos ako paupo sa sahig. Pero may napag tanto ako.

Bakit alam ng lalaking yon ang apelyido ko? Sino sila? Anong kailangan nila sakin?

Tatlong oras akong naka kulong sa kwarto ko. Para na akong masisiraan ng bait sa nangyayari.

Nakakatrauma na ako sa nangyayari. Gusto ko nalang ikulong ang sarili ko dito.

“Clarissa! Bumaba ka dito at may package ka!” Rinig kong tawag ni Tiya.

Napa tayo ako at inayos ang sarili ko saka bumaba. Napa tingin si Tiya sa akin.

“Kakagising mo lang? Tignan mo ito. Kay Wrytt daw galing. Ayan ang naka lagay dito” Napa tingin ako sa package.

“T-tiya.. wala po akong kilalang Wrytt” Pag sabi ko dito. Nag taka naman ito.

“Eh bakit naka pangalan ito para sayo?” Lumapit ako para tignan.

At tama si Tiya. Saakin naka pangalan at galing naman ito sa pangalang WRYTT.

“Pero Tiya.. hindi ko po talaga kilala ang pangalang 'to" Sabi ko.

Tbc.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon