"Oh sya, wala narin naman tayong magagawa e nandyan na yan. Mabuting i-akyat mo nayan sa kwarto mo at don mo nalang tignan. Maaga kami mag sasara ng Tiyo mo kaya bumaba ka rin pag tapos mo"
Kahit labag sa loob ko dahil nag kakahinala ako. Inakyat ko nalang iyon.
Inilapag ko sa kama ko ang kahon at tinitigan ang pangalang Wrytt. Hindi ko talaga maalala na may nakilala or nakasalamuha akong may pangalang Wrytt.
Bigla pumasok sa isip ko ang dalawang lalake kanina na naka itim. Ano kayang nangyari sakanila?
Iniling ko ang ulo ko. Bakit ba iniisip ko pa sila. Kahit tinulungan nila ako. Hindi parin yon dahilan para mag bigay ako ng pag aalala.
Kumuha ako ng Cutter sa bag ko para buksan ang kahon. Nang matapos kong gamitin ito saka ko naman binuha para makita ang loob.
Nag taka ako sa nakita ko. Isang damit na kulay pula ang nakita ko. Kinuha ko iyon at tinignan.
Nanlaki ang mata ko na hindi basta damit lang iyon. Ito yung pantulog na nakita ko sa magazine na patok ngayon!
Kaso masyadong revealing ang pantulog na ito. At nakakahiya isuot to lalo na hindi naman ako mahilig sa kanito.
Siguro si Mary ok pa pero ako? Hindi ata babagay sa akin ito at lalong hindi pwede kasi baka magalit si Tiya Felda.
Napa tingin pa akong muli sa loob ng kahon. Kumunot ang noo ko. Ano ito? Isa iyong Black card. Wala akong alam sa ganito.
Isinawalang bahala ko iyon at itinabi. Naka kuha ako ng candy na nasa bote!
Mga gummies iyon na paborito ko. Ito ang lagi kong binibili sa tuwing bibigyan ako ng pera ni Tiya Felda.
Pero nanlaki ang mata ko ng ngayon ko lang mapag tanto ang isang medyo maliit na box.
"Cellphone!?" Bulalas ko sa gulat. Naka ramdam ako ng kilig at sobrang tuwa. Tila nawala lahat ng problema ko sa buhay ng dahil don.
Matagal na akong gustong magka cellphone pero dahil hindi pa nila Tiya afford ang mabilhan ako ng cellphone nag tiis ako.
May baboy din akong alkansya na syang iniipunan ko para ipambiling cellphone, pero ngayon? Meron na ako!
Tuwang-tuwa na inopen ko iyon ay na nginginig ako sa tuwa na naluluha. Iphone ang meron ako ngayon.
"Yes! May cellphone na rin ako!" Bahagya pa akong napa tayo at nayakap ang cp ng bumukas iyon.
"Thankyou sa pangalang Wrytt at binigay nya isa sa pangarap kong mabili!" Bigkas ko. Inayos ko na ang mga gamit na nalabas ko.
Napa tingin ako ulit sa black card. "Black Credit Card? Para saan ba 'to" Takang tanong ko sa sarili ko.
Pero nag kibig balikat nalang ako at inilagay yon sa wallet ko. Itinabi ko na rin ang Gummies ko sa side table at yung Damit pantulog, siguro itatago ko nalang to sa damitan ko.
Bumaba akong masayang sinalubong si Tiya Felda.
"Tiya!" Tawag ko rito.
"Bakit? Bat tuwang-tuwa ka? Anong meron sa kahon at ganyan ka kasaya" Tudyo nito sa akin.
Ipinakita ko ang cp ko. "May cellphone na ako!" Sabi ko. Nanlaki ang mata nito.
"Binigyan ka ng selpon Aba eh ang swerte mo naman sa taong yon at mamahaling selpon pa ang ibinigay" Masayang sabi rin sa akin ni Tiya.
"Oo nga po eh, kaunti lang ang laman ng kahon. May Gummies ako tapos may damit pantulog at yung black card, pero ito ang pinaka na gustuhan ko" Masaya kong sabi.
"Matatawagan at ma tetext ko na kayo dito Tiya Felda" Sabi ko.
"Sus, oo na. Tama na muna yang saya mo at tulungan mo na kami ni Tiyo mo" Tumango ako at nag umpisang tumulong na rin.
Tbc.
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romansa(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...
