Matapos naming mag linis at kumain ng sabay. Nag paalam na si Tiya at Tiyo na mauuna na sa taas.Ako naman nilinisan ko ang hapag at hinugasan ang plato. Ini-lock ko na rin ang pintuan saka na upo sa maliit na sofa namin.
Mamaya na ako aakyat sa kwarto ko. Binuksan ko ang cp para kalikutin iyon. Gusto kong matutunan itong Cellphone para naman hindi ako mag mukhang taga bundok kanila Sakie at Mary.
Nguting-ngiti akong tumingin sa settings ng biglang may mag pop na message.
Nag taka kaagad ako. Ngayon ko lang napansin na may SIM card kaagad itong cellphone or baka nilagyan na rin agad nung may pangalan na Wrytt?
Pinindot ko ang message na nag pop.
-Unknown-
[What do you think of my gifts?]'Ito ba 'yung nag bigay ng package ko?' Tanong ko sa isip ko. Nag type ako para mag reply pabalik.
-You-
[Hi po, thank you sa mga binigay mo. Pero sino po ba kayo at binigyan nyo ako? Nakilala naba kita? Kung oo, saan po at Kailan? Gusto ko po mag pasalamat ng maayos sainyo sa personal]Saktong pag sent ko ng mesagge ko bigla akong natigilan.
Na himasmasan ako sa tuwa ng magka cellphone ako. Ngayon ko lang naisip na tumanggap ako ng gamit sa hindi ko kilala.
Biglang namawis ang palad ko. Pumasok sa isip ko ang Lalaking syang unang naka bangga at sumusunod sa akin.
Biglang nag pop muli ng message ang notification ko. Na nginginig na binasa ko yon.
-Unknown-
[You already saw me. And you don't need to thank me. Next time, if you got in danger again... I'll punish you.]Napa tulala ako sa text nya. Dala ng tuwa ko hindi ko na naisip na pwedeng sakanya nga galing ito.
Biglang sumakit ang tyan ko sa sobrang kaba. I o-off ko na sana ang cellphone ng bigla ulit itong mag send ng message.
-Unknown-
[Use all of what i gave to you. Don't you dare throw it. Remember this, hindi mo magugustuhan ang magiging parusa ko.]Napa takip ako sa bibig ko ng maka ramdam na ako ng pag susuka at parang gusto ko nang maihi.
Dali-dali akong nag tungo sa cr at isinuka ang gustong kumawala sa bibig ko.
Na nginginig ang buong katawan ko dahil sa mga text nya.
Tuwang-tuwa ako ng dahil sa may cellphone na ako. Nawala sa isip ko ang mga nangyayari sa akin at ngayon mas lalong naging malala.
___
KINAbukasan. Maaga akong nagising para mag asikaso. Napa tingin ako sa bintana.
Naka hinga ako ng maluwag dahil naka sara iyon at naka lock.
Dagli kaagad akong nag hanap ng salamin para tignan ang aking leeg. Still meron paring mga marka. Hindi ko alam kung kailan ito mawawala.
Kumuha ako ng tuwalya para mag asikaso na sa sarili ko.
Matapos kong maligo umakyat kaagad ako para mag bihis ng uniporme. Sa kala gitnaan ng pag lalagay ko ng concealer sa mga marka na nasa leeg ko biglang tumunog ang cp.
Napa tingin kaagad ako doon. Natatakot akong buksan para basahin ang kung ano mang tinext nya kaya naman hindi ko iyon pinansin at pinatay.
Matapos kong mag lagay ng concealer ay matamlay akong bumaba. Alam ko ring bahagyang na ngingitin ang ilalim ng mata ko.
Anong oras na kasi bago ako umakyat sa kwarto ko. Hindi ako maka tulog dahil sa takot at pangamba.
Tbc.
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romance(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...