Chapter 6

247 3 0
                                    

Matapos kong maligo at nang makapag bihis ipinulupot ko muna ang tuwalya sa buhok ko para hindi sagabal at mag tulo-tulo ang tubig.

Nag tungo kaagad akong sala. Tinulungan ko kaagad si Tiya Felda na busy sa pag hihiwa.

"Ako na po dyan Tiya" Sabi ko rito.

"Oh sige. Titignan ko muna ang niluluto ko at sinaing ko-" Mag uumpisa na sana akong mag hiwa ng bigla akong hawakan ni Tiya Felda sa magka bilang balikat ko.

Salubong ang kilay nito na ipinag tataka ko. "Bakit po Tiya?" Hindi ko mawari kung sa dibdib ko ba sya naka tingin o sa kung saan pa.

"Sabihin mo nga sa akin Clarissa." Sabi nito na bahagya akong kinabahan. Seryosong-seryoso si Tiya Felda ngayon.

"P-po? Ang alin po ang sasabi-"

"Sino ang may gawa nyang markang yan da leeg mo?" Biglang salita nito na pinutol ang sasabihin ko.


"Po? Anong marka po ba iyon" Tinignan ko ang dibdib ko wala naman akong makita.

Umalis si Tiya sa Harap ko at nag lakad ito patungo sa taas ng drawer namin. Kumuha ito ng salamin at ibinigay sa akin.

Agad ko naman iyon ginamit para tignan ang sinasabi nyang marka na hindi ko makita.

Nag salubong ang kilay ko ng makita ko ang leeg ko na may tatlong marka, na bahagyang na mumula pero nag halo ang pagka violet nito na medyo na ngingitim.

"A-ano to.." Natatakot kong bigkas. Kasi wala naman akong naramdaman kagabi na may kumagat na kung ano sa akin para magka pasa ako.

"May pinapasok kabang iba sa kwarto mo?" Napa baling ako kay Tiya Felda.

"Wala po akong pinapa-pasok Tiya! T-tsaka ano po ito? Anong insekto ang gagawa nito?" Natatakot kong sabi.

Kaya pala kanina medyo makirot ang leeg ko. Wala kasi kaming salamin sa Cr. May pamahiin kasing pina niniwalaan si Tiya.

"Malaking insekto ang may gawa nyan." Seryosong sabi nito.

"Kung may boyfriend kana Clarissa wag mong itago sa amin ni Tiyo Gavin mo. Hindi ka naman namin pag babawalan basta limitahan nyo ang dapat limitahan" Nag tataka ako sa sinasabi ni Tiya.

"Tiya hindi ko po kayo maintindiha? Sabi mo malaking insekto may gawa nito tapos bigla ka nalang nandadamay ng ibang tao kung may boyfriend ako?" Gulong-gulo na ang utak ko.

Madami rin akong iniisip tapos dinadagdagan pa ni Tiya.

"Wala. Isara mo sa gabi ang bintana mo para walang insekto ang pumapasok" Bilin nito pero kita parin ang pagkaka kunot ng noo nito.

Tumigil muna ito sa ginagawa at may kinuha nanaman.

"Ayan, concealer ilagay mo yan sa leeg mong may mga marka. Baka kapag nakita yan ng Tiyo mo malagot ka don" Sinunod ko nalang si Tiya.

Umakyat ako sa taas para lagyan ang leeg ko. Pag bukas ko ng pinto ang bumungad sa akin ay ang bintanang naka bukas.

Nag taka ako kaagad kasi isinara ko naman iyon kanina tapos bukas nanaman?

Nilapitan ko iyon at pasimpleng sinilip dahil baka mamaya makita ko nanaman sya.

Naka hinga ako ng maluwag ng makitang wala naman sya doon. Muli kong isinara na ang bintana at nilock yon.

Nag umpisa na rin akong mag lagay sa leeg ko.

Matapos kong lagyan iyon ay napa tulala ako saglit ng may mapag tanto.

Ini-lock ko kanina ang binta. Kaya hindi kaagad yun mabubuksan ng nasa labas. Pero bakit bukas na bukas yon?

At yung nasa leeg ko. Bakit parang nag kakahinala ako.

"Huwag naman sanang.." Napa lunok ako ng sunod-sunod.


Tbc.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon