Chapter 11

694 12 0
                                        

"Oh? Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Tiya Felda ng makitang na ngingitim at na mumugto mata ko.

Stress na ako sa nangyayari. Umiling ako kay Tiya Felda. Isipin ko palang na mag bibigay ako ng problema sakanila.

Nakaka konsensya. "Wala naman po Tiya, gumawa lang po akong assignments kagabi" Pag sisinungaling ko.

"Sigurado ka ah? Oh sya, lagyan mo ng giniling iyang mga wrapper, kapag natapos ka tulungan mo ang Tiyo Gavin mo sa labas" Tumango ako kay Tiya.

Lutang akong nag lalagay ng tinimplahan ng giniling sa wrapper.

Nag dadalawang isip ako kung gagamitin ko ba ang cp. Kung kakainin ko ba ang Gummies.

Pano kung may drugs yon? Or papaano kung may kung anong hinalo sya sa gummies?

Tapos yung nightie pa. Hindi ko ata kayang isuot yon. Alam kong sa gabi ko lang naman gagamitin sya.

Pero sa isiping isusuot ko yon. Para ano? Anong dahilan para bigyan nya ako non?

Kinakabahan ako. Gusto kong hindi gamitin lahat ng ibinigay nya sa akin. Kaunti man yon pero hindi basta-basta lang ang nag bigay.

Hindi ko alam kung malalaman nya bang hindi ko gagamitin sa gabi ang nightie.

Nang matapos ako. Lumabas na ako para tumulong kay Tiyo. Habang kumikilos ako alam kong tinitignan ako ni Tiyo Gavin.

"Sabihin mo sa akin." Panimula nito. "May nangyayari bang hindi namin nalalaman ng Tiya Felda mo sayo?" Seryosong tanong nito.

Natigilan ako ng bahagya. Kahit rin naman anong sabi ko sakanila. Hindi nila paniniwalaan hanggat hindi sila mismo ang nakaka huli.

"Walanaman po Tiyo. Na late ang akong natulog kagabi dahil sa mga assignments ko po" Sabi ko sakanya.

"Basta ito tatandaan mo. Kapag hindi mo na kaya. Sabihin mo sa akin mismo. Para ako mismo ang aalam sa problema mo. Para kana rin naming anak, kaya hindi ka dapat nag lilihim kahit pa hindi ka namin paniwalaan" Gusto kong umiyak sa harap ni Tiyo Gavin.

Gusto kong isumbong lahat pero hindi pwede. Natatakot ako na may gawing masama sakanila ang lalaking yon.

Itanggi ko 'man o hindi. Pakiramdam ko kaya nyang baliktarin ang lahat.

Sa itsura at postura palang nang lalaking iyon. Halatang hindi sya basta-bastang tao.

Hindi basta-bastang tao ang naging stalker ko. Sa talim ng tingin nya. Alam kong naka patay na sya.

Nag paalam na ako kanila Tiyo at Tiya para pumasok.

Minuto lang din ng maka rating ako sa skwelahan. Napag tanto ko rin na hindi ko pala naidala ang cp.

Napa sabunot ako sa buhok ko. Ang tanga² ko naman! Nag palinga-linga ako sa paligid.

Hindi ko 'man kita o hindi ko na papansin alam kong may naka masid sa akin.

Napa lunok ako at inayos ang postura. Dapat hindi nya malaman na hindi ko nadala ang cp.

Na nginginig ang kamay kong pumasok ng gate. Dire-diretso akong nag lakad hanggang sa maka pasok akong room.

"Anong nangyari sa mukha mo?" Takang tanong ni Mary. Balak ko sanang sumagot ng saktong may pumasok na sa room.

"Class, take your seats. I want to introduce the principal. Naipakilala na sya sa ibang rooms. Hindi na nagpa announced si Mr. Guerrero para mag tipon-tipon ang lahat sa gitna, kaya willing si Mr. Guerrero na isa isahin ang rooms para mag pakilala." Ngiting mahabang sabi ni Ma'am.

Lutang na naka yuko lang ako at naka tulala. Gusto kong bumawi sa tulog pero kapag ipipikit ko ang mga mata ko.

Pakiramdam ko bigla nalang syang susulpot.

Tbc.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon