Chapter 17

219 2 0
                                    

Wala akong nagawa kundi ang sabihin sakanila na may stalker akong nakakapasok sa kwarto ko.

Kahit pa ni-lock ko na ang pinto ko at ang bintana. Pero nagagawa nya paring maka pasok ng hindi nakakagawa ng ingay o nasisira ang Lock.

And syempre hindi sila na niwala doon at ang sinabi nalang sa akin ay..

"Sige kung hindi kapa ready sabihin sa amin. Ok lang naman, hindi mo na kailangan mag sinungaling pa" Bumungisngis si Mary.

"Tama! Kapag ready kana sabihin mo sa amin pano kayo nagka kilala at gaano nyo kamahal ang isa't-isa para pumayag kang markahan nya" Sabi pa ni Sakie.

Pilit nalang akong nginitiin sila. Pero maiba ako. Paano nalaman ni Wrytt na makiki sleep over sila Mary gayong malayo sya nung time na yon?

_


Uwian na at sumabay na sila Mary sa akin.

Nag text na din ako kay Tiya at Tiyo para ipaalam na makiki sleep over sila Mary at Sakie.

Pumayag naman sila. Dala na rin agad nila Mary ang susuotin nila at pati na rin si Sakie.

Nang maka rating kami sa bahay. Nag mano naman ang dalawa kanila Tiya.

Pinakain na rin kami at nang matapos ay umakyat.

"Waahh! Kapagod sa school!" Aniya ni Sakie.

"True, fresh ka nung pumasok pero pag uwi kala mo hinaras kana HAHAHAHA" Sabay sila tumawa ni Sakie.

Ako naman ay bahagyang natatawa rin.

"Oh credit card to ah?" Bigla akong napa tingin kay Sakie. Nanlaki ang mata ko ng mapag tantong iyon ung credit card ni Wrytt na may Lamang pera daw.

"Black? Ang alam ko kapag black may meaning yan eh ano nga ba yon.." Iniisip pa ni Mary kung ano iyon. Balak ko sanang kunin kay Sakie iyon pero hindi nya binigay agad.

"May pera to. Mayayaman lang ang may ganito. Tsaka di ako mag kakamali sa hinala ko. Hindi rin sya mukhang fake" Sakie.

Napa tingin ang dalawa sa akin napa lunok ako.

"Clarissa bayaran kang babae– ARAY NAMAN!" Daing ni Sakie ng hampasin sya ni Mary.

"Panong di ka sasaktan kasi! Anong bayarang babae ka dyan? Tsk." Hindi ako nag salita.

"So.. galing ito sa sinasabi mong stalker?" Baling sa akin ni Mary. Dahan-dahan akong tumango.

"Sino ba yang stalker mo? Sabihin mo sakin nalang sya mang stalk– Aray ah! Kanina kapa, isa pang palo mo wawag-wagin kita!" Sakie.

"H-hindi ko pwede sabihin." Sabi ko. Pakiramdam ko kapag sinabi ko may mangyayaring masama.

"Bakit hindi? E friends mo naman kami. Hindi naman kami nag kakalat ng chismis" Aniya ni Mary.

"Oo nga, or natatakot kalang sabihin kasi binantaan ka?" Sabi ni Sakie.

Umiling ako. Hindi ako binantaan ni Wrytt. Oo ilang beses akong nag sumbong pero hindi nya ako binantaan sa pag susumbong ko.

Para bang hindi sya takot at mas lalong wala syang pake kahit pa mag bigay ako ng mga ebedensya sa iba.

"Walang pag babantang ginawa sya" Sabi ko.

"Eh bakit ba kasi bawal? Parang pangalan lang eh" Ngusong sabi ni Mary.

"A-ano.. hindi ko kasi alam ang pangalan nya. S-stalker nga kasi sya.." Pag sisinungaling ko.

Lumunok ako. "P-pero may tawag ako sakanya.." Sabi ko.

"Sige ano naman yon?" Curious na tanong ni Sakie. Tumango lang din Si Mary na curious din.

"Creep Pervy" Sabi ko. Napa ngiwi sila.

"Corny naman ng tinawag mo sakanya" Aniya ni Sakie. "Creep Pervy talaga? Buti ok lang sakanya yon" Sabi pa nito.

"Kaya nga.. sana ang ipinangalan mo nalang is Mr.Beast" Nag talo pa sila ni Sakie sa pwedeng itawag sa lalaking stalker ko.

Naka hinga ako maluwag. Hindi naman pangit pakinggan ang Creep Pervy ah.

Tbc.

a|π : Hello po guys (。ŏ﹏ŏ) Sorry po kung hindi na ako nakapag update kahapon. Biglaan kasi akong inaya ni mama umalis. And now baka po 5 chapters lang ang ma uupdate ko ngayon, dahil po na bubusy po ako. Ang daming inaasikaso po sa bahay lalo na po uuwi ng probinsya ang magulang ko. Ang dahil ako ang ate ako ang mag babantay sa dalawa kong kapatid (╥﹏╥) Sorry po talaga! Mamaya po i upload ang 3 chapters pa.

Maraming salamat sa makaka intindi😥

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon