Chapter 3

277 3 0
                                    

Clarissa's POV

Nang maka baba ako sa mismong palengke. Nakipag siksikan kaagad ako sa mga tao.

Bahagya akong lumingon. Hindi ko na nakita sya. Kaya naka hinga ako kahit papaano.

Namili ako ng mga sangkap na isinulat ni Tiya Felda. Matapos kong mabilang at mabili ang kailangan ko agad na rin akong nag pasyang umuwi.

Napapa tingin pa ako sa kung saan. Sinisigurado ko na wala sya.

Wala akong nakitang kakaiba. Kahit ang motor hindi rin. Pero bakit ganoon. Nararamdaman ko paring para may naka tingin.

Kalahating oras bago ako naka uwi. Tinakbo ko na agad ang daan pauwi dahil sa takot.

"Ay jusmio! Clarissa!?"

"Ay!"

Kamuntikan ko pang mabangga si Tiya Felda dahil sa biglaang pag sulpot nya sa harap ko.

Hingal na hingal ako. "Anong nangyari sayo at tumatakbo ka? May humabol ba sayo?" Tumingin pa ito sa likuran ko.

Tumingin din ako sa likuran ko pero wala namang kakaiba.

"W-wala po Tiya Felda.." Sabi ko habang na papa-iling.

"Oh wala naman pala eh. Bat ka tumakbo? Muntikan mo pa akong mabangga" Reklamo nito sa akin.

Kinuha nito ang bit-bit kong mga pinamili. Tinignan nya iyon kung kumpleto.

"Gusto ko lang po k-kasing maka uwi na.. k-kaya tumakbo na po ako" Sabi ko. Pero Hindi ko mapigilang mapa utal.

"Ganon? Oh sya pumasok kana sa loob at ng maka kain kana. Tulungan mo nalang kami ulit ng Tiyo mo..." Habang nag sasalita si Tiya Felda.

May motor na dumaan sa gilid namin. Kitang kita ko kung pano sya napa tingin sa akin at ngumisi.

Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Tiya Felda.

Mas lalo akong kinabahan at parang ma-susuka na ako sa kaba. Medyo hindi na rin ako maka hingang maayos.

Alam nya kung saan talaga ako naka tira. Sino ba talaga sya?

"Hoy Clarissa?" Nabalik ako sa attention ni Tiya Felda ng tawagin ako nito.

"P-po?" Tanong ko.

"Anong po? Kanina pa ako nag sasalita dito hindi mo ako naintindihan?" Na gagalit na nyang sabi sa akin

"P-pasensya na po Tiya, ano po ba u-ulit yon?" Tanong kong muli.

"Sabi ko tulungan mo kami ng Tiyo mo. At kumain kana sa loob. Bakit ba parang takot na takot ka at lutang? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong nito.

Napa lunok ako ng sunod-sunod.

"T-tiya.. may sumusunod po k-kasi sa akin kanina pa po. Na t-tatakot po ako Tiya Felda.." Mangiyak-ngiyak kong sumbong dito.

Nag salubong ang kilay nito at napa lingon sa paligid. Tila wala namang kakaiba.

"Saan? Wala naman akong makita, hay nako Clarissa wag mo akong daanin sa mga ganyan mo. Pumasok kana nga sa loob" Sabi nito na ikina yuko ko.

Alam kong hindi sya maniniwala dahil magaling mag tago ang sumusunod sa akin.

Pumasok ako sa loob at nag palit ng damit saka kumain. Umaga hanggang hapon at gabi sila Tiya at Tiyo nag titinda.

Tuwing Sabado at linggo lang silang hindi binubuksan ang karinderya nila.

Sa kala gitnaan ng maraming customer. Inutusan ako ni Tiya Felda na tulunyan si Tiyo dito sa labas.

"Dito po kayo kakain?" Tanong ko kay ate.

"Hindi na, pabalot nalang beh" Tumango ako dito at ibinalot na ang mga pina mili nya.

Nag bayad ito sa akin. Inilagay ko muna ang pera sa lalagyan bago ako humarap sa customer na sumunod.

"Ano pon-" Natigilan ako sa sasabihin ko ng mapag sino ang nasa harap ko.

Pinag bubulungan na sya ng ibang kumakain dito.

Bahagya akong napa atras. 'Bakit sya nandito!? Anong ginagawa nya!?'

Ngumiti ito sa akin nang kakaiba na mas lalo kong ikina takot. Na nginginig ang kamay ko na itinago ko sa likod para hindi nya makita.

"Oh Clarissa? Anong itina-tayo mo dyan? Pag bentahan mo ang customer natin." Suway ni Tiyo sa akin. Napa lunok ako.

"T-tiyo.. m-mag c-cr po muna a- ako" Paalam ko at tatalikod na sana ako ng mag salita ang lalake.

"Mukhang na tatakot ka sakin Miss. May nakaka takot ba sa itsura ko?"



Tbc.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon