"Clarissa!" Bungad ni Tiya Felda ng makita ako. Pinag buksan ako ni Wrytt.Niyakap ako ni Tiya Felda. Lumabas si Tiyo at niyakap din ako nito. Na miss ko sila kaya na luluha ako.
"Bakit tumataba ka ha? Kamusta ka naman doon sakanila ni Wrytt?" Na ngunot ang noo ko.
Alam nyang kasama ko si Wrytt at mas lalong kilala nya si Wrytt. Nagka tinginan naman si Tiyo at Tiya sa naging reaction ko.
"I told them that you're going with me." Singit ni Wrytt. Ito ba ang sinasabi nya noon na hindi ko na kailangan mag alala kanila Tiya at Tiyo.
"Ipinag katiwala ka namin sakanya dahil ang sabi nya papaaralin ka nya sa private na eskwelahan" Sabi ni Tiyo.
Napa tingin ako kay Wrytt na walang naging reaction sa pag sisinungaling nya kay Tiya at Tiyo.
"Kamusta ka naman?" Tanong ni Tiyo.
"Ayos lang po" Sabi ko. Pumasok kami sa loob. May iilang kostumer pa sila Tiya.
Nakaka gulat nga na may katulong na sila Tiya. Kaya malayang nakapag tanong tanong sila sa akin.
"Buti at napa dalaw ka dito, ilang beses pa namang na ngulit ang kaibigan- "
"Tiya.. buntis po ako" Putol ko sa sinasabi ni Tiya.
"Ahh ganoon ba - Ano!?" Nanlalaki ang mata nito.
"Sinong naka buntis?" Seryosong tanong ni Tiyo naman.
Naramdaman ko ang tensyon ni Wrytt sa tabi ko.
"Ang akala ko pa naman ay nag aaral ka ng mabuti tapos uuwi ka dito na buntis!" Histerikal na sabi ni Tiya.
"Sino ba ang tatay nyan!? Hindi kana nahiya sa nag papaaral sayo, sa pribadong paaralan kapa nya ipinasok, tapos mabubuntis kalang!" Dugtong pa nito.
Paano kaya na kumbinsi ng ganito ni Wrytt sila Tiya at Tiyo para ipag katiwala ako nila agad sakanya.
Hindi ako nag salita. Wala muna akong balak sabihin sa ngayon. Gusto ko munang makapag isip-isip.
Simula ngayon ay pag iisipan ko muna ang dapat mangyari sa buhay ko.
Nang mapansin nilang wala akong balak mag salita ay hindi na nila ako pinilit pa.
Nag paalam na muna akong aakyat sa kwarto ko. Gusto ko na rin makita ang kwarto ko.
Iniwan ko na silang tatlo. Pagod na binuksan ko ang pinto at nakita ang ayos non. Mula sa Hindi kalakihang papag at sa maliit na lamesa ko rito sa kwarto pati ang drawer ko na nasa likod ng pinto.
Lahat walang pinag bago. Mukhang nililinis parin ni Tiya ito. Kaya naman nahiga ako sa higaan ko at hindi ko na namalayang naka tulog na pala ako.
Kinabukasan ay nagising nalang ako sa pag kalam ng sikmura ko. Agad ako tumayo para lumabas.
Pag baba ko ay abala sila Tiya. Nakita naman ako nito.
"Kumain kana, ipinag luto kita ng Adobo." Ihinain nito ang pagkain sa mesa. Nalanghap ko ang mabangong amoy non.
Hindi ko paborito ang Adobo pero mukhang ito ang pinag lilihian ko ngayon.
Nilantakan ko kaagan ito. Inilapag din ni Tiya ang Vitamins na iinumin ko.
"Bago umalis si Wrytt ibinili ka nya ng mga Vitamins mo" Sabi nito at bumalik sa kusina.
Napa titig ako sa Vitamins. Folic acid, Iron, Calcium, Vitamin D., DHA, Iodine. Iyon lahat.
Napa buntong hininga ako ng maka ramdam ng parang may mainit na humaplos sa puso ko.
uminom nalang ako. Nang matapos ay Ini-akyat ko ang mga iinumin ko sa kwarto.
Bumaba ako para tumulong kay Tiya Felda. Gusto kong malibang-libang. Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Wrytt?
Isang linggo ang lumipas at medyo umumbok na ang tyan ko. Gabi-gabi ay lagi akong umiiyak dahil na mimiss ko si Wrytt.
Inaantay kong akyatin nya ako pero wala. Bigla kong na miss ang pagiging Creepy at Pervert nya.
Bakit iyon pa ang pinag lilihian ko. Balak din ba ng magiging Anak namin na gayahin ang Ama nya? Napa iling ako sa iniisip ko.
TBC
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romance(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...