Dalawang araw ang lumipas ng hindi ako nakakapasok. Pero ngayon saktong pag pasok ko sa room ang iingay ng mga kaklase ko.
"Ang bait at ang gwapo pa!"
"Girl you know what, gusto ko nalang syang maging papa"
Kwentuhan mula sa likod. Pagka upo ko sa tabi ni Mary na busy sa pag ta-type.
"Ang sabi may dahilan daw bakit sya naging bagong prinsipal"
"Ano naman yon?"
"Hindi alam ng iba. Ang sabi nandito lang daw ang babaeng na titipuhan nya"
"Meron ba? Sa itsura palang non parang wala naman syang tipong babae"
"Eh yun ang sabi-sabi"
Nahakot non ang usapan nila mula sa harapan naman namin ang attention ko.
Pinag uusapan nila ang babaeng tipo ng bagong prinsipal namin, without knowing na ako iyon.
"Oh nandyan kana pala Clarissa? Di ka namin napansin ah" Sabi ni Sakie ng maalis ang tingin nito sa cellphone nya.
"Kamusta kana teh? Tatlong araw kang absent, sure kabang wala kanang lagnat? Baka madala ka ulit sa Clinic" Alalang tanong naman ni Mary.
"A-ayos na ako. Marami ba kayong ginawa habang absent ako?" Pag iiba ko ng usapan.
Ayokong maalala ang nangyari sa kwarto ko.
"Wala naman, good thing kasi puros lessons lang ang ginawa pero ngayon hindi ko lang alam kung may quiz" Sagot naman nito.
"Uy diba magka group tayong tatlo sa ART? Doon nalang kami ni Mary makiki-sleep over sainyo Clarissa" Pag papaalala ni Sakie.
Napa lunok ako. Papayag ba ako? Paano kung biglang nasa kwarto ko din sya?
Edi nakita din sya ng mga kaibigan ko. Paano kung isumbong nila lalo na at mamukhaan nila na ang principal ang humahalay sa akin sa gabi?
"Hoy na tulala kana dyan?" Nabalik ako sa ulirat ng bahagya akong yug-yugin ni Sakie.
"A-ah.. sige sige. P-pwede naman" Agap kong sagot. Nag tataka ang mga itsura nitong naka tingin sa akin.
"Alam mo lately nagiging weirdo kana?" Si Mary.
"Tama, madalas kana ding lutang. Tapos ngayon papasok kang may chikini-" Napa singhap silang dalawa.
Nanlaki ang mata ko ng marealize ko din ang dapat sasabihin ni Sakie.
"BAKIT MAY CHIK- HMPP!" Tinakpan ko ang bibig nila ng balak pa nilang sabay lakasan ang pagkakasabi ng chikinini.
Napa takip din sila sa sarili nilang bibig. Napa kagat labi ako. Hindi ko alam pano ko sasabihin sakanila ito.
Dala ng kalutangan nakalimutan ko nang mag lagay ng concealer.
Hindi pa kasi nawawala ang kiss mark na iniwan nya nung naka raang araw.
Iyon din ang huling kita ko sakanya sa gabi na ipinag papasalamat ko sa may kapal.
Mas gusto kong tahimik ang mga gabing dadaan sa akin kaisa ang hindi.
"Mamaya mo sa amin yan i-explain" Sakie.
"Ka tampo ka, mukhang gigil pa sayo may gawa nyan hihi" Bungisngis pa ni Mary.
Hindi ko na sila sinagot. Hindi ko alam paano ko ikukwento kaya ngayon palang mag iisip na ako.
Hindi sinasadyang mapa tingin ako sa bintana.
Natanaw ko ang taong syang unti-unti ako sinisiraan ng bait. Nakita ko itong may kausap na guro.
Pero hindi naka takas sa paningin ko ang pag sulyap nya dito.
Sa gitna ng pakikipag usap nito sumilay ang ngisi nito.
Naikuyumos ko ang kamao ko.
Saktong pumasok na rin ang guro kaya naman iniiwas ko na ang tingin ko doon.
Ramdam kong tumunog ang cellphone kaya naman tinignan ko iyon.
"I'll be busy, so i can't follow you. I will sent my people to look on. Be a good girl." Basa ko doon sa text.
Napa lingon ako sa labas. Wala na pala sya doon. Medyo hindi ko na gets ang sinabi nya.
Papatayin ko na sana yon ng biglang mag pop ulit ang message nito sa nitif.
"I know your CM will sleep over at your room. Wear the nightie i gave. I like seeing you wearing that." Nangunot ang noo ko.
Balak nya bang pasukin ang kwarto ko kahit nandon ang sila Sakie at Mary?
Minuto ang lumipas at breaktime na. Hinatak kaagad ako nila Mary sa spot na pinag tatambayan namin kapag may chismis kami.
Tbc.
BINABASA MO ANG
Part 1 : CREEP PERVY | Complete
Romance(Part 1: Wrytt and Clarissa) When Clarissa reached the age of 18, she suddenly felt creepy because someone was following her wherever she went. And in the night he never thought she would be perverted by her stalker. Let us know what will be her lif...