Chapter 38

198 3 0
                                    


Katulad nga ng sinabi ni Wrytt. Isinama ako nito palabas ng kwarto. Hawak ako nito sa kamay ko.

Hindi ko alam kung na raramdaman nya bang nanlalamig ang kamay ko. Bigla kasi akong naka ramdam ng kakaibang emosyon.

Hindi ko mawari kung ano. Pero nakaka ramdam ako ng kaba pero may iba pa.

Para bang gusto ko nalang bumalik sa kwarto at huwag nang sumama. Na mamangha ako sa mga na kikita ko.

Mula sa chandeliers, sa mga malalaking paso na alam kong mamahalin, sa mga paintings. At iba pang mga collection na babasagin.

Na kikita ko. Pati ang sahig. Yung tiles parang ka takot-takot tapakan sa sobrang ganda at kintab nito na talagang alagang mop.

Napa daan kami sa sofa. Mas malaki ang sala rito sa baba. Di tulad sa taas na medyo maliit pero masasabi mo ring mamahalin ang sofa at mini table non.

Pati ang TV malaki. May mga ilang katulong akong na kikitang napapa lingon sa amin. Ang iba ay bahagyang nag bulungan.

Ang iba naman ay nag tinginan. Pero itinutuloy parin nila ang gawain. Napapa yuko nalang ako.

Nang maka punta kami sa Hapag, ipina upo nya ako agad.

"Sit here. Mag luluto ako." Tumango ako sakanya kahit pa may tingin ako na di maka paniwalang marunong din pala syang mag luto.

So yung mga pagkain na sya mismong nag dadala, sya ang nag luluto non?

Bahagya akong napa ngiti. Kasi yung pagkaing ipinapa kain nya sa akin. Kulang lagi sa timpla, ayoko lang mag sabi dahil baka kung anong gawin nya sa katulong na nag luto non.

Pero dahil sya pala ang nag luluto. Mabuting hindi ko na rin iyon nasabi sakanya dahil baka masira ang pag eeffort nya.

Kahit naman kulang sa timpla e, nakakain parin kaya okay na rin naman kahit papaano.

Minuto ang lumipas ng may katulong na nag lapag ng plato at mga kubyertos sa harap ko.

"Ikaw.." Usal ko ng ma-mukhaan ko sya. Ngumiti ito sa akin.

"Maganda umaga po Ma'am" Bati nito na nginitian ko din pabalik.

"Magandang umaga rin sayo, si Wrytt?" Tanong ko.

"Palabas na rin po sa Kusina. Isinalin lang sa mga lalagyan ang ini-luto po" Napa tango ako at nag pasalamat.

Gustoko 'man mag tanong sakanya pero hindi ko nalang ginawa dahil palabas na rin naman si Wrytt.

Di kalaunan nga ay lumabas si Wrytt mula sa kusina. May hawak itong trey at nandoon ang mga ini-luto nya.

Inilapag nya iyon sa mesa. Seryoso ito ng tignan ko ang mukha nya. Pero ng mag tama ang tingin namin ay ngumiti nanaman ito ng maaliwalas.

Para akong kakapusin sa hininga. Bakit parang ang hirap tuloy nyang iwan at ipaubaya nalang sa Asawa nya?

Ganito ba ang naramdaman ni Mama? Iwinakli ko ang nasa isip ko. Kahit ganito pa 'man.

Hindi ko magagawang mang agaw ng pag mamay-ari na ng iba. Bahagyang naka ramdam ako kirot sa puso ko pero hindi ko nalang pinansin.

Pinag silbihan ako ni Wrytt. Para kaming magka sintahan sa ginagawa nya. Pero kahit ganon. Susulitin ko ang oras na ganito sya sa akin.

Naka kita na rin ako kanina kung paano makaka takas. Alam kong matutulungan nya ako.

"Salamat" Hindi mapigilang bigkas ko na ikina lingon nito sa akin.

"No prob. Eat before it's cold." Kumain na rin ako. Tahimik kaming kumakain pero medyo na iilang ako at hirap maka lunok dahil palingon-lingon sya sa akin.

Ramdam ko ang mainit na titig nito. Napakuha kaagad ako ng tubig na malamig.

Bahagya ko syang tinignan. Nag tama ang tingin namin ng ngumiti ito.

"Is it good?"

"Hindi masyado– " Na tutop ko ang bibig ko sa nasabi.

TBC.

Part 1 : CREEP PERVY | CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon