Chapter 24

1.6K 124 36
                                        

Chapter 24

I want Eli beside me forever. Kaya siguro nang kailangan niya nang lumuwas kinabukasan, ang higpit ng kapit ko sa kanya. Hindi ko naman siya pipigilang umalis lalo na't alam ko kung gaano kahalaga ang trabaho niya. Pero...

"Do you really need to go? Gaano ba kalaki ang problem sa kompanya?" Nakayakap ako sa braso niya habang nasa tapat na kami ng kotse niya. Hindi siya makasakay dahil ayoko pang bumitaw.

"Hindi naman ganoon kalaki. Pero dahil matagal pang magbabakasyon dito si Lonzo, kailangan ko munang mag-take over doon."

Napalabi ako. Ngumisi siya at dinampian ako ng halik. "Sama ka na lang sa 'kin, babe?"

May importante din akong kailangang gawin sa restaurant. Kinukulit na 'ko ng mga empleyado kong bumalik. Tapos 'yung kasal pa... And I have to always check on my parents, too. Napabuntonghininga na lang ako.

I'm terrible when in love, huh? Suddenly I became too needy of Eli when I used to be okay even if we don't see each other every day.

O dahil may pinagdadaanan ako kaya ganito? I won't deny I'm weak right now and Eli has been my constant strength.

"Ayaw mo na lang ba 'ko umalis?" He softly asked.

Napalunok ako at napayuko ng ulo. I don't want to be selfish. Nakakahiya naman sa pagiging selfless ng Mommy ko. At isa pa, kailangan ko talagang bumalik na rin sa trabaho.

"Sorry... You can go. Kapag nandito ka, gusto ko lang lagi magpa-baby sa 'yo. It's not productive."

Tumawa si Eli. "Anong hindi? Baka nga mamaya, buntis ka na sa garden wedding natin."

Namilog ang mga mata ko at napatingala sa kanya. "Is that possible, babe?" I innocently asked.

"Pregnancy can be detected as early as two to three weeks. I think." Ngumiti siya at inakbayan ako. "Ang alam ko, may record ang mga lalaki sa pamilya namin na mabilis makabuntis. Kahit isang beses lang, bang!"

"May lahi sina Mommy na hindi mabilis mabuntis."

"May the best family gene wins!" Ani Eli. "Basta productive naman tayo together. Pero, heto nga at marami pa tayong ibang responsibilidad."

Napatango-tango ako. May reyalidad na hindi puwedeng lagi kong takasan. "You can go, Eli. I'm going to be fine." Maluwag na sa loob kong sinabi 'yon.

Eli cupped my face and give me short but plenty number of kisses on the lips. "I love you. I'll see you next week." Hinaplos niya ang pisngi ko. "You can go home, or you can go to Lolo Eloy's house if you're bored here. Nandoon si Baby Lonzo! Baka lalo kang ma-excite magka-baby kapag nakakita ka ng baby. Dalhin mo rin si Cloudy."

Tumango lang ako. Binuhat ko si Cloudy na nakikisiksik sa mga paa namin. Eli kissed the top of Cloudy's head and embraced us. Then, he left.

Huminga ako nang malalim at saka bumalik sa loob ng bahay namin. Naghanda na rin ako para makapasok sa restaurant.

At tama nga ang desisyon kong pumasok. My employees welcomed me with so much warmth and glee. May pa-banner pa at confetti ang mga ito.

"Ma'am Chef, na-miss ka namin!"

"Na-miss namin mga ngiti mo, Ma'am! Iyan ang liwanag namin dito, eh!"

"Ma'am Ciela, alam naming masaya ka palagi kay Sir Eli, pero okay lang naman po sigurong hiramin ka po namin minsan sa kanya!"

Totoong napangiti na 'ko at niyakap sila isa-isa. Lahat sila.

I almost forgot the family and love I have with them. I was able to find another source of strength. These people are practically building and helping my business to be successful. With their hard work, they helped me provide good food and service to customers.

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon