Chapter 20

857 88 31
                                    

Chapter 20

"It's not required. But it's good if you're very attentive to details. And you know how to keep receipts for double checking."

Tumango si Ciela at pinanood ako. May isang buong clear book ako ng lahat ng naging financial transaction ng TLE Club sa isang taon. One clear book is equal to one school year.

"Itong balancing sheets, sarili kong format 'to. Bibigyan kita ng soft copy para magpi-print ka na lang."

Kumuha ako ng isang blangkong balance sheet. Pinaliwanag ko ang bawat columns at rows.

"Again, I'll put the date of purchase here, the items, the exact price..." Ulit ni Ciela sa mga sinasabi ko.

Napapangiti naman ako dahil halatang attentive siya. She can repeat everything I'm teaching her. So that means she's listening and accumulating knowledge from me.

Huminto-hinto rin ako minsan para makapagtanong siya. At nagtatanong siya kapag nalilito siya, kaya't mabilis kong nalilinaw.

"Here are some sample receipts." Binigay ko sa kanya ang mga nakuha kong pakalat-kalat na mga resibo sa mansyon ni Lolo.

"Audit them all for practice." Kumuha ako ng lapis at tinasahan. "You can use pencil first for erasures. Baka maduling ka sa numbers, eh."

"Oh, right." Binitawan ni Ciela ang hawak niyang ballpen at inilapit sa kanya ang mga resibo. Ibinigay ko sa kanya ang lapis na bagong tasa.

"Para rin malinis ang papel mo kapag nagpa-finalize ka na ng ballpen. Ma-trabaho ang ganitong manual auditing pero sigurado naman. At kapag nag-transfer ang encoder natin sa computer, kapag may mali siya, laging magandang back-up 'tong original."

So far, Best in Audit for two years ang TLE Club kapag may awarding ang Student Council. Malinis ang mga pinapasa naming financial reports.

Kaya't kahit hindi pa kami umaabot sa minimum number of members this year, nabigyan na kami ng budget. Maliit lang kaysa sa proposed budget namin, pero mapapaikot naman for our proposed club activities.

"So, I have to list all of this down by date. And the dates should be arranged, as well." Tumango-tango si Ciela na parang kinakausap ang sarili niya.

Sumandal ako sa upuan at tahimik siyang pinanood.

I noticed before that she's an organized person. Maybe she learned it from spending time in the kitchen.

I bit my lips as I can't help but smile. Ciela did first what I always do—pero hindi ko naman sinabi sa kanya. Inisa-isa muna ni Ciela ang mga resibo. Pinagsunod-sunod ang dates of purchase!

Wow. Parehas kami! Puwede bang matuwa na parehas kami ng takbo ng isip ng crush ko?

Hindi ko alam kung gaanong katagal na nag-aayos si Ciela ng mga resibo.

Pero hindi ko na mahiwalay ang mga tingin ko sa kanya. Hindi ako naiinip sa panonood, at mukhang hindi naman niya 'ko napapansin. She's already engrossed with what she's doing.

Good job. It means that she's taking our training seriously. She wants to follow my footsteps. It makes me happier that Ciela trusts me and... looks up to me.

Ciela smiled happily after she was able to organize the receipts by dates. Pagkuwa'y kumuha siya ng isang highlighter. She started to highlight the—I think, date, items, and prices.

"What are you doing?" I curiously asked.

Napaangat siya ng tingin sa 'kin at ngumiti. "Oh. Daddy said that usually, receipts use thermal printer lang. The ink fades over time. Pero kung papatungan ng highlighter, it will retain. Hindi lalabo. Then, it will help me also to see the prices clearer once I write it down later."

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon