Chapter 27
"Is it okay, Ciela?"
Agad akong tumango pagkatapos matikman ang egg and vegetable omelet ni Naomy. "This is actually better than my omelet," puri ko. "Right, Eli?"
"Maalat."
Huh? Hindi naman. Kinurot ko siya nang makitang tila nag-aalala si Naomy.
"Ahm, s-sorry, Eli—"
"Kung ayaw mo ang lasa, huwag mong kainin." Salubong ang kilay ni Lonzo. Si Naomy naman ang marahang sumaway sa asawa nito.
"Thank you for the feedback, Eli," mabait na sabi ni Naomy. "Ahm, baka nga nasobrahan ko sa asin."
Mabilis akong umiling. "It's good for me! I mean, the vegetables you added didn't overpower the taste of egg and cheese. It's creamy. Baka lang naalatan si Eli dahil pagod siya sa biyahe."
"Oh, okay... Ah, you can also try this." Inalok ni Naomy ang French toast na may honey syrup.
Kumuha ako at kumagat doon. "Ang sarap din, Naomy!" Tama ang balanse ng tamis.
Nakikagat si Eli sa toast ko. Ngumuya-nguya siya. "Masyadong matamis."
Napangiwi si Naomy. Ano bang nangyayari kay Eli?
"Stop eating, you ungrateful idiot," seryosong sabi ni Lonzo. Magkasalubong na ang kilay.
"Lonzo," mahinang saway ni Naomy.
"We're sorry!" mabilis kong paumanhin. Pinanlakihan ko ng mga mata si Eli. Nagkunwari siyang naghikab.
"No offense, Naomy," sabi ni Eli. "Baka nga pagod lang ako mula sa biyahe at may problema ang taste buds ko."
"I understand," Naomy softly said. "Dapat siguro magpahinga ka muna. A-Akala kasi namin ni Ciela, may energy ka pa kaya nag-set kami ng breakfast together."
"Marami naman talaga akong energy pero sa ibang bagay ko sana gustong ilabas."
Inosenteng napakurap kami ni Naomy. Pero nang makuha ko ay napabuga ako ng hangin. Binalingan ko si Naomy at nginitian. "Ang sarap talaga nito. Healthy ingredients pa ang mga ginamit mo. Pero siguro nga kailangan nang magpahinga ni Eli. Can we just join you for lunch later?"
Tumango agad si Naomy, pero tiningnan ako nang matalim ni Lonzo. "My wife woke up very early for this even though she's tired from taking care of our child last night, Ciela."
Agad akong na-guilty at napayuko ng ulo.
"Huwag mong sisihin si Ciela," biglang umalma si Eli kay Lonzo. "Choice ni Naomy maghanda kahit puyat siya."
"That's true..." pang-aako ni Naomy.
"It's my fault!" Umiling ako. "Akala ko rin hindi pagod si Eli..."
Tumayo si Eli at hinila ako. "Thanks for preparing breakfast anyway, Naomy. I'm sorry if I can't appreciate it at the moment."
Hindi na umimik sina Lonzo at Naomy. Nang naglalakad na kami pabalik ni Eli sa bahay ay binabawi ko ang kamay ko mula sa kanya. But Eli won't let go.
"What kind of behavior is that, Elizardo De Haro? You upset Naomy! At kababati niyo pa lang ni Lonzo pero parang naghanap ka ng away kanina." mahinhing saway ko sa kanya.
"I did that for you," tugon lang ni Eli habang patuloy ang paghila sa 'kin.
Huminto ako sa paglalakad kaya't napahinto rin siya. "W-What are you s-saying?"
