Chapter 21

332 65 15
                                    

Chapter 21

"Nagalit?"

"I'm not really sure. They were too surprised, I guess. Tapos, hindi na 'ko kinibo ni Daddy. Hindi rin makaimik si Mommy."

Napangiwi si Eli. "Ah. Kaya pala hindi nila ako masyado kinakausap kanina."

Tumayo ako mula sa kama at bumalik sa pag-e-empake ng mga gamit na dadalhin ko. "Wala naman na silang magagawa. Parang walang sense na magalit. Mas napaaga lang naman ang civil union natin. We'll still have the formal wedding ceremony as planned."

"Mag-sorry kaya ako sa parents mo?"

Lumingon ako sa kanya. "Sorry for what? Marrying me first before taking me to bed?"

Eli laughed and blushed a little. "Ang cute mo naman maging sarcastic! Try mo mag-angat ng isang kilay, babe."

I raised an eyebrow.

"Hala, ang cute mo pa rin."

Binato ko siya ng hawak ko. Panty ko pala 'yon!

Napahiga na si Eli sa kama dahil sa kakatawa. "Ang cute naman ng design nito." Inangat niya sa ere ang panty ko at ini-stretch pa. "May flower-flower. Kasi ginagamit sa flower?"

Natawa na rin tuloy ako at saka binawi ang panty. "Stop it. Magpapalit na 'ko ng underwear set." Maybe I'll start buying plain and neutral-colored ones?

"Okay lang naman sa 'kin 'yang ganyan, ah? The design is very true to your character."

Binalik ko sa drawer ang mga in-empake kong underwear. Mamimili na lang ako sa mall bukas ng bago. "Let's stop talking about my underwear, Eli."

"Sandali lang, nag-e-enjoy pa 'ko. As newlyweds, may freedom na tayong pag-usapan ang ganitong mga matters."

Nakita ko ang ka-partner na bra ng panty. Itinaas ko 'yon. "I bought them because they easily come in pairs!" And because it's bright, colorful, and cute!

Napakurap si Eli at natawa na naman. "Ang saya-saya ko."

Inirapan ko na siya. Lumapit na siya sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi. Tumigil na rin siya sa pagtawa at tinulungan na lang akong maglagay ng mga gamit ko sa maleta.

"I still need to talk to your parents, Ciela. Mga magulang ko na rin sila ngayon, by law. I feel responsible as they trusted me. They feel betrayed for sure. Ang sabi natin, magbabakasyon ka lang ng two weeks. Ibabalik kita nang buo. Pero, anong ginawa natin?" Paglilitanya ni Eli. "Nagpakasal na tayo. Nag-extend ng one week sa Manila for honeymoon. Nag-enjoy ako sa 'yo masyado. Hindi na kita nabalik nang buo, babe!"

Natigilan ako. May point nga siya.

Eli's lips curved downward. "May tiwala na naman akong nasira."

Siguro, may hinanakit pa rin ako sa mga magulang ko dahil hindi ako nakakaramdam na dapat ay pati si Eli magpaliwanag pa sa kanila.

I already gave them my reason which is, I love Elizardo De Haro and before I break all the virtues I grew up with, I married him already.

I want to commit my life to him anyway. Hindi na lang kami makapaghintay pa ng ilang linggo kaya't ginawa na naming legal ang lahat. I'm not just rebelling against my parents, it was a personal and sincere choice.

Tumayo si Eli. "I will talk to Tito and Tita now. Just continue packing your things. Para naman hindi kita kukunin dito at ililipat sa bagong bahay natin nang hindi maayos."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 8 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon