Chapter 30
"Yes, Lolo! Just like in the movies."
"Salamat sa pagbibigay-alam sa 'kin nito. Para sa inyong dalawa ang araw na 'yon, Eli at Ciela. Maaari niyong gawin ang anumang nais niyo basta't nasa tama." Nginitian ako ni Lolo Eloy. "I'll support this since I believe to love is to do the right thing always. A selfless sacrifice is just in vain if we don't honor the holy union. I have few considerations, though. But in this case, I'm glad it's just a mistake we can fix."
Hindi ko na napigilang yakapin si Lolo Eloy. "Thank you, Lolo. Thank you!" I sweetly kissed him on the cheeks also.
Naramdaman kong nakiyakap sa 'min si Eli. Pagkatapos niyon ay umalis na kaming dalawa.
Our whole week is jam-packed for the upcoming wedding ceremony. Tuwing umaga lang ako nakakapag-trabaho sa restaurant. Pagdating ng tanghalian ay susunduin na 'ko ni Eli.
It's either we have an appointment with our wedding suppliers and coordinators or we're going to dine with relatives. Dahil nga intimate ang wedding ceremony namin ay hindi lahat maiimbitahan. Kaya't nakikipag-meet na lang kami ni Eli para makabawi sa mga kamag-anak o mga kaibigan na hindi makakasama sa intimate ceremony.
Ito nga at papunta kami ngayon sa Y Garden Restaurant—owned by Tito Navaro. Doon kami nakipag-set ng lunch date with our TLE Club co-members way back in high school.
"Pagka-announce niyo pa lang na ikakasal na kayo agad, hindi na kami nagulat, eh!"
"Parang sa club programs at school events pa lang noon, may spark na sa inyong dalawa."
"Wala lang talagang maka-imik sa 'min. Hinihintay namin paano didiskarte 'tong si Elizardo."
Napakamot ng pisngi si Eli. "Masyado ba 'kong halata no'n?"
"Lagi mo ba namang tinatabihan si Ciela sa upuan kapag may meeting? Hindi masyadong halata. Hindi talaga!"
Napatingin sa 'kin si Eli at inakbayan ang likod ng upuan 'ko. "Ikaw lang talagang hindi nakapansin, babe. Mukha ka pa kasing 'Lorcan' noon."
Nagtawanan ang mga kasama namin. I laughed with them, too. At saka ko malambing na hinaplos ang mukha ni Eli. "Sorry, babe. You want a kiss?"
Parang teenagers na nagwala at nangantiyaw ang mga kasama namin.
"Uy, nakakahiya. Behave ka lang, babe," nakangising sabi ni Eli na parang hindi niya gusto ang alok ko.
I gave him a feather-light kiss on the lips anyway. Nakita ko ang bahagyang pag-blush ni Eli. Inulan na rin kami ng kantiyaw at palakpakan.
Siguro ay nasa fifteen people kami ngayon sa private function room ng restaurant. Parang mini-reunion ulit ng TLE Club from our batch. Pinili talaga namin ni Eli na ma-treat sila dahil unang beses na may alumni members ng club ang nagkatuluyan.
At saka dahil sa club na 'to kaya't nagkakilala kami ni Eli. We can't invite them over the ceremony, but they understood and excitedly showed up for this lunch date.
"Ang bold na ni Ciela ngayon! Anong ginawa mo sa kanya, Eli?"
"Kinakain ko..." Nag-pause sandali si Eli kaya't nagtawanan sila. "...ang lahat ng luto niya."
"Ah! Buti, malinaw! Akala namin kung anong kain ang ginagawa mo!"
Nag-loading pa 'ko bago hinampas si Eli nang ma-gets ko ang dirty joke. Hinapit niya 'ko sa baywang habang tumatawa at saka ako hinalikan sa pisngi.
Tama lang talagang nag-rent kami ng private room dahil hindi na kumalma ang mga kasama namin. We were like high school all over again, as they continued to gush and cheer.
