Chapter 28

932 48 4
                                        

Chapter 28

"I... can't understand..." nanghihina kong sabi. Hindi na 'ko naiiyak pero nakatitig na lang ako kay Eli.

Nanatili lang din ang mga mata niya sa 'kin—seryoso ngunit masuyo. Marahan akong umiling nang sinubukan kong i-proseso ulit ang mga sinabi niya...

He only fell for Naomy because he saw me in her? Me?!

Alam kong mas nauna kaming nagkakilala ni Eli kaysa sa kanila ni Naomy. Alam kong nagkagusto sa 'kin si Eli noong high school.

Pero pagka-graduate at pagkalipat niya ng Maynila... Sa loob ng mahabang-mahabang panahon, hindi na kami ulit nagkita. Walang kahit anong komunikasyon for almost two decades. And in between those years, Eli was able to enter romantic relationships with other women. Just last year, he fell for Naomy.

It's hard to believe what he just said! "T-That's i-impossible..."

"I know..." mahinang tugon ni Eli. "I thought so, too, Ciela. It was impossible. And yet... it happened to me."

Sinubukan kong lumayo o kahit man lang umalis sa pagkandong ko sa kanya, pero humigpit lang lalo ang mga braso ni Eli na nakapulupot sa 'kin.

His one hand crawled up my nape, the other hand supporting my lower back.

Wala akong nagawa kundi manatali sa posisyon naming sobrang lapit, at hindi bumitiw ng tingin sa nangungusap na mga mata ni Eli.

"I wasn't aware until my younger cousin pointed out the possibility. Noong mga bata pa tayo, malinaw sa 'kin kung gaano kita kagusto, Ciela. Since I met you until I graduated—for those three straight years, you're the apple of my eye.

"You were my inspiration to go to school every day. I used to wait in the school cafeteria during breaks or recess, just to greet you and be greeted by you. I always ran down the halls every school club time. Madaling-madali ako kahit alam kong hindi naman ako late, para lang makarating sa meeting room... Kasi nandoon ka..."

Eli softly laughed remembering those days. "At saka pala, may aaminin ako. Hindi totoo ang sinabi ko noon na hindi kita napansin agad noong una mo 'kong nakilala. That orientation meeting for the new members of TLE Club, that's where I also first saw you, Ciela. Since then, my eyes couldn't stop looking at you and for you."

He chuckled again, and blushed a little. "Nahiya lang akong aminin sa 'yo dahil baka magmukhang patay na patay ako sa 'yo masyado dati. Habang ikaw noong panahong 'yon, 'kuya' lang ang tingin sa 'kin at si Lorcan lang ang nakikita mong lalaki yata."

Napakurap-kurap. Napaawang ang mga labi ko. Lahat ng inaalala at problema ko sa mga magulang ko, na-wipe out. Now, my mind is eager to welcome every word from Eli...

"I... I never look at my feelings for you before as something that will last. I know it's true, but I'm also aware that were just kids back then. I like you, kahit hindi mo 'ko magustuhan pabalik. Wala rin naman akong ma-o-offer na seryoso sa 'yo noon kaya mas mabuti nang hindi mo nahalata o nalaman pa. Ang bata-bata pa natin...

"Hindi ko pa alam noon kung anong kinabukasan ko, kung maaabot ko ba ang mga pangarap ko, kung isang araw ba titigil na ang mga taong lagi kaming ipagkumpara ni Lonzo... O darating ba ang araw na hindi na lang 'ko second-best palagi."

Pumikit si Eli. "And Lonzo said, feelings change over time. Because people change. I just treasured the days that I could bond with you. Kung alam mo lang kung anong mga tumatakbo sa isip ko noon, baka umiwas ka na sa 'kin. Pero..."

Eli bit his lower lip and opened his eyes again. Kuminang ang mga mata niya nang salubungin ulit ang sa 'kin. Ang kamay niyang nasa batok ko, bumaba sa hita ko.

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon