Chapter 25
At the end, naawa na lang din ako kay Daddy. Hindi ko rin kayang itanggi na totoong ginawa nito ang lahat para sa 'min ni Mommy. At baka nga, totoo ring sinubukan naman ni Daddy na mahalin si Mommy ng higit sa kung anong mayroon sa kanila ngayon.
Baka sinubukan din ni Daddy na tingnan si Mommy na lagpas pa sa isang kaibigan. Baka sinusubukan naman ni Daddy mas palalimin, ngunit mas nangigibabaw pa rin ang damdamin nito para kay Tita Leah. Maybe that's why he won't stop saying he's sorry. He was sorry that he thought he failed...
Daddy must have thought that failing to fall in love with my mother is failing to love me as their daughter. But... but I guess, it's not necessarily equal to that.
Sapat ang pagmamahal sa 'kin nina Mommy at Daddy. Malinaw na sa 'kin at wala na 'kong kuwestiyon doon. What's between them is only between them.
Ngunit tinatanggap ko rin ang apology ni Daddy kahit lasing pa siya. He acknowledged that ending their marriage broke me.
Napabuntong-hininga ako nang malalim. Napatitig na lang ako kay Cloudy na huminto sa isang gilid ng puno para umihi.
Nagpalinga-linga ako nang mapansing ang layo na pala nang nalakad naming dalawa! Ang layo na namin sa bahay namin ni Eli. Napunta na kami sa farm at kaunting hakbang na lang ay makakapasok na kami sa farm ng mga De Haro.
"Cloudy, baby, let's go back." I was gently tugging the leash after Cloudy took a pee.
Agad naman itong sumunod at naglakad na kami pabalik. Lumutang na naman ang isip ko sa mga magulang ko.
Pagkatapos kasing umiyak ni Daddy kanina, bigla na lang din itong nakatulog. Mommy was teary-eyed but she didn't say anything.
Bumalik na lang ako sa trabaho para hindi ako masyadong malungkot na naman. Iniwan ko si Mommy na patuloy lang na inaasikaso si Daddy. I didn't receive any updates from them yet after work. Hindi na lang din muna ako nagtanong.
Si Eli naman, busy pa sa trabaho. Nagpaalam sa 'king mag-o-overtime kaya't baka gabing-gabi na siya makatawag.
Dahil lumulutang nga sa iba ang isip ko, nahila na naman ako ni Cloudy sa ibang direksyon. Napakurap-kurap na lang ako nang nasa garden na kami ng tatlong malalaking mansyon!
Cloudy's barking while wagging its tail. Nang sinundan ko nang tingin kung sinong masayang tinatahulan ni Cloudy, nakakita ako ng baby!
There's a baby boy sitting in a baby highchair in the garden porch of Lolo Eloy's house.
"Hi, cutie!" Napalapit na 'ko sa bata na wala pa yatang isang taong gulang. Ito siguro ang anak ni Lonzo! Isang baby lang naman ang alam kong nasa mansyon ngayon ni Lolo Eloy.
Kumurap ang baby at tinitigan lang ako na tila kinikilala ako. I smiled widely when I immediately noticed the striking resemblance of the baby with Lonzo.
Naaalala ko na naman kung paano akong natakot kanina na biglang sumulpot ang pinsan ni Eli habang kausap ko si Lorcan.
I have known that Lonzo De Haro is the serious-type while Eli is the smiling-type. I just didn't expect I will be scared by Lonzo's overwhelming no-nonsense stance and authority.
O sanay lang ako masyado kay Eli na ang gaan ng personalidad?
Anyway, Lonzo's little son is eyeing me like his father! Baby version lang kaya't cute pa kung hinuhusgahan man ako habang nakatitig sa 'kin.
Tinaas ko ang kamay ko at kumaway ulit sa baby. "Hello! Are you alone here? Nagmumuni-muni ka rin?" I sweetly told the baby. Pagkatapos ay binuhat ko si Cloudy.
