Chapter 15

2K 148 31
                                        

Chapter 15

"Sure ka talagang naka-move on ka na, babe?"

Hindi ko akalain na si Eli pa ang hindi makapaniwala na naka-move on na 'ko kay Lorcan.

Nakailang tanong na yata siya niyon habang nagda-drive papunta sa kaibigan niyang mayor na magkakasal sa 'min ngayong gabi.

"Do you want me to explain all over, again?" Okay lang naman sa 'king magpaliwanag ulit. Pero medyo nakakapagod kasing magsalita nang magsalita. Lalo na kung more than twice ko nang pinaulit-ulit sa kanya kung paano kong na-discover na wala na pala akong nararamdaman para kay Lorcan.

Huminga nang malalim si Eli. Nakatutok lang siya sa madilim na kalsada. "Naniniwala naman ako sa 'yong mahal mo na rin ako. I mean, who would not fall in love with me?"

"Si Naomy." Nakikisakay ako sa joke niya or binabasag ko ang masyadong mataas na self-confidence niya minsan? Pili na lang kayo.

"Ay, oo nga." Natawa siya saglit, pagkuwa'y nagbalik ang pangamba at kaseryosohan. "Pero paano kung false alarm lang palang ako na ang mahal mo? Iiyak ako niyan, eh!"

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis na mas maraming doubts si Eli kaysa sa 'kin after we confessed our love for each other.

"Buong high school years natin, nakita kita kung paano tumingin at lumapit kay Lorcan. Na-witness ko lahat iyon, Ciela. Nagbibigay ka sa kanya lagi ng pagkain at sweets noon. Minsan, may pinag-uusapan tayong dalawa sa cafeteria para sa isang program ng TLE Club, pero biglang nawala ang pansin mo sa 'kin dahil lang dumaan si Lorcan."

Napakurap-kurap ako at napabaling sa kanya. Medyo nakakunot ang noo ni Eli.

"Hindi ko na matandaan 'yan..."

"Siyempre, hindi. Ako lang naman ang may crush sa 'yo noon." Huminto ang kotse sa isang stoplight.

Bumaling sa 'kin si Eli. "May isang foundation day pa. Second year ka, third year ako. Tayong dalawa ang naka-duty sa booth ng TLE Club."

Napakurap ako. Medyo natatandaan ko iyon... May booth for street foods ang TLE Club. Sa first day, kami ni Eli ang nagbabantay at nagluluto. Bandang March iyon at mainit ang panahon. Mataas ang sikat ng araw, plus mainit pa sa loob ng booth namin... Kaya...

"Hinimatay ka habang eksaktong nagluluto ng order nina Lorcan at ng mga kaibigan niya," patuloy pa ni Eli. "I was the one who carried you and rushed you to the clinic. Iniwan muna kita saglit doon para hanapin ang school nurse. Pagbalik ko, nagising ka na pala. Lorcan was there with you. You thanked him and hugged him."

"Alam niya kung paano gisingin ang hinimatay, Eli. He learned it daw sa science club."

"Okay lang naman mag-thank you ka sa kanya at yumakap. Pero bakit sa 'kin, hindi ka nag-thank you... at yumakap?"

Nginitian ko siya nang matamis at inabot ang kamay niya sa manibela. "Thank you, Eli. I know it's 18 years late but thank you. I'm sorry I didn't notice how you cared for me before. Ngayon, ikaw na ang pakakasalan ko. Kiss kita later!"

Napakurap-kurap siya at nag-iwas ng tingin. "Nang-aasar ka pa."

Sumulyap ulit siya sa 'kin. Nanatili ang mga ngiti ko.

Naglayo ulit siya ng mga mata. "Don't smile like that, I'm melting!"

Dumapo na ang kamay ko sa buhok niya. Marahan ko 'yong hinaplos. "Ano pang hinanakit mo sa 'kin kasi hindi kita crush noong high school tayo, Elizardo De Haro? Ilabas mo na 'yan bago tayo magpakasal."

DHS #4: Beating LoudlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon